Chapter 18 One Night Stand - Literally

3.2K 108 14
                                    

Author's NOte: Let me know po kung hindi niyo ma view yung Chapter 17. May nakita po kasi akong copyright or privacy  error daw at  private  chpa daw siya. pero nabasa ko naman sa ibang pc or mobile. let me know po kung hindi ma view ha .. thank you 

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Hinayaan ko si Mah-lak-KEE na mauna sa daanan. Wala akong alam sa lugar kaya sumunod lang ako sa kaniya. Nagkapunit punit narin ang ilang tela sa manggas ng aking kimono ngunit hindi ko ito alintana. Hindi ko parin makakalimutan ang ginawa nito kanina.

“Malayo pa ba tayo?” tanong ko

“Sumunod ka na lang”

“Bakit ako susunod sa taong hindi ko alam kung kakampi ko ba o hinde?”

Tumitig ito sa akin na parang nang uuyam. Umismid bago muling nilinis ang daanan. Napabuntong hininga na lamang ako sa inis. Dapat pala ay hindi ko na ito isinama pa. Kung alam ko lang ang aking kinaroroonan ay hinding hindi ko ito isasama. Ang daming alam eh.

Madilim parin ang paligid. May naririnig parin akong mga insekto na nagiingay pero nag iba na ang ihip ng hangin. Naging malamig na ito tanda na malapit ng mag umaga. Na bumaba na ang mga hamog mula sa hangin.

Bumibigat na rin ang aking mga mata na nais nang magpahinga. Nahihirapan narin akong ihakbang pa ang aking mga paa.

“Mah..mah-lak..”

Hindi ko na natapos ang aking sinasabi ng tuluyang nang nagsara ang aking mga mata. Ang aking matunog na pagbagsak sa ilang tuyong sanga sa lupa ang huling bagay na rumehistro sa aking gunita bago tuluyang kainin ng dilim ang aking kamalayan.

*****

“Huwag mong kalimutan ang pera ko Steph. Heheh para naman makabili na kami ng masarap na pagkain ng anak ko”

“Siyempre naman Kuring. 'Kaw pa eh ang lakas mo sa akin”

“Sus. Kahit yang selpon na lang bigay mo sa akin. Pag aagawan yan ng mga Intsik sa pantalan”

“Bibigyan kita ng pera.. huwag na tong cellphone ko. Ano bang bibilhin mong masarap?”

“K-Karne ng manok o kaya ng baka. Mamamatay na lang siguro kami na hindi man lang makakatikim ng karne”

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Napakababaw ng kaligayahan nito ngunit iyon ang bagay na nagustuhan ko sa babae. Maldita sa labas pero napakasimpleng tao sa loob. Isang tipikal na Pinoy kahit sa panahon ko.

“Yung karne ko ha” sambit nitong muli na ikinatango ko na lamang.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon