****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
"Thank you po sa lahat ng sumuporta at naghintay ng ending ng istoryang ito. It has been 3 months since the last time I posted a chapter... it feels weird to part with this story. I'm not sure if naiintindihan niyo ako pero I started writing this story 9 months ago. From the concept, the characters, the settings, even the names... I input so much effort in it na natatawa parin ako sa tuwing binabasa ko siya. Naiinis parin ako kung bakit ang dami daming twist... hahah siguro masyado lang talaga akong na attach sa kuwento. I cried a liter for this. The ending was quite 'SAD' so I tried changing it. I can't bear the super gloomy ending eh. Anyway.. I shared this because I believe lahat ng readers na sumusubaybay dito ay entitled na malaman ang ending. Sana ma appreciate niyo. "
P.S. Inilagay ko siya as epilogue.. masyado kasing mahaba kapag isa pang chapter. Baka maglagay pa ka ng book two kapag ginawan ko ng isa pang chapter. hahahahah. See you next time sa mga stories ko.
"Magandang araw Mahal na Anito"
Hindi ko naiwasang hindi kiligin sa baritonong boses ng lalaking tumawag sa aking pangalan. Kaya naman agad akong napalingon sa pinanggalingan nito at hindi nga ako nagkamali.
"Oh? Ikaw pala Makisig" sambit ko sa gwapong lalaki na pumasok sa loob ng malaking kabahayan.
Yumukod ang lalaki sa akin bago inilapag sa tabi ang mga dalang prutas. Nagpalinga linga sa paligid at mabilis na hinalikan ang aking labi.
"Si Nene ba ang ipinunta mo dito?" patay malisya kong tanong, hindi pinansin ang halik niya sa akin.
"Nais ko sanang sabihin sainyo na magsisimula na ang ritwal upang makapag isang dibdib na kami ni Nene"
"Ah ..iyon ba, tatagal ka kaya?" tanong ko na ikinatawa nito.
"Tingin niyo?"
Napangiti na lamang ako sa kaniyang tanong. Pinagmasdan ang kaniyang mahubog na katawan at tumalikod upang tawagin ang kaniyang mapapangasawa.
"Bumaba ka na, kanina pa sila naghihintay sayo" ani ko sa aking anak anakan na suot suot ang puting kimono na suot ko dati nang una akong dumating dito.
"Maganda na po ba ako?"
"Siyempre naman.." ani ko na nilapitan ang babae. "Anak ka ng dakilang Anito kaya wala nang gaganda pa sayo" puri ko sa kaniya na niyakap ang babae.
"Mahal na mahal ko po kayo ni Papa.... mama"
"Mahal na mahal ka rin namin" sagot ko na tinulungan itong bumama.
Katulad ng dati, lahat ng mag iisang dibdib sa sinaunang panahon ay kailangang manatili sa loob ng isang kubo. Kailangan nilang magtalik ng pitong araw at kung matatagalan nila ang isa't isa na tanging iyon lamang ang ginagawa ay maari na silang magpakasal.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang unang pagkakataon na nakita ko ang kabuuan ng katawan ni Mah-lak-KEE ng pasukin nito ang kubo namin ni Arayuon-man.
"Haaaaaaaaaa!"
Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang malakas na sigaw ni Makisig. Nakangisi itong naghihintay kay Nene habang nagsisimula namang pumasok ang ibang magkakapareha sa ibang kubo.
"Sige na... kailangan mong mapangasawa si Makisig para lalong maging matatag ang pagiging pinuno mo ng balangay na ito" ani ko kay Nene.
Importante ang ritwal na ito upang gumanda ang ugnayan ng balangay sa balangay nila Makisig. Kilala ang mga mandirigma nila Makisig na matatapang kaya kailangan niya itong maging pamilya.
BINABASA MO ANG
Beki Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)
RomansaAko ang maganda.... Ako ang maldita.... Ako ang pinaka taklesa at mapangmataas... Ako ang pinakamagaling ... Ako ang pinakamapanglait.... Ako ang mahilig mag booking ng hombre.... Ako ang nag iisang baklang dapat maging Queen ng lahat At ako.... Ako...