"PYRO! Bakit ka nasigaw?" sabi ni Ma'am Castillo.
"Ahm... Kasi po? Ano?" sabi n'ya na may pag-aalinlangan.
"Ma'am! Tinuturuan ko po s'ya ng high tones eh parang napasobra po yata," sabi ko.
"Okay! Mamaya na lang 'yang recess," sabi ni Ma'am.
Umupo na si Pyro at tumingin s'ya sa akin.
"Salamat!" sabi n'ya nang pabulong.
"Oh you're welcome!" sabi ko.
Nagparticipate ako sa dalawang subjects (English at Science) bago magrecess. Heto namang si Pyro, ayaw tumayo at parang tulog.
"Pyro, gising na! Recess na!" sabi ko habang hinahawakan ko sa balikat.
"HOY! HUWAG MO NGANG LANDIIN ANG BOYFRIEND KO!!!" sigaw nung babae na sumusugod na sa akin.
Sinabunutan n'ya ako at natumba ako. Inawat ni Pyro yung babae. Shocks! Hinawakan ko lang sa balikat, malandi agad. Itinayo ako ng mga kaklase ko at pinalayo ako kina Pyro at dun sa babae.
"Okay ka lang, Win?" sabi ni Maecy.
"Ah! Oh okay lang ako. Sino ba s'ya? GF ni Pyro?" sabi ko.
"Oo, warfreak na gf ni Pyro, si Margie. Huwag mo nang pansinin n'yan," sabi pa ni Maecy.
Umalis na sina Margie at Pyro. My God! Nakakatakot na akong tumabi at kausapin si Pyro.
"Ahm... Ian! Pwedeng palit tayo ng upuan. Pwede ba?" sabi ko.
"S-sige!" sabi n'ya.
"Yes!" sabi ni Maecy.
"Oh bakit ka masaya?" sabi ko.
"Eh naiilang ako kay Ian. Lagi akong kinakabahan kapag kausap s'ya," sabi n'ya.
"Crush mo?" tanong ko.
"AHHH! Hindi ah! Oo yata pero slight lang!" sabi n'ya na parang nahihiya.
"HAHAHA! Okay lang! Secret lang natin 'yun. Psssh!" sabi ko. :)
Oo nga pala pupunta ako sa canteen pero magtitime na eh.
"Gusto mo?" alok ni Maecy.
"Oh baka kulang pa 'yan sa'yo," sabi ko.
"Hindi 'yan! :) Sige, kunin mo na itong sandwich at juice!" sabi n'ya.
"Oh thanks, Maecy!" sabi ko.
Habang ako'y kumakain. Dumating na ang professor namin pero parang wala pa si Pyro. Bakit pa s'ya wala? Hmm. Anong pakialam ko sa kanya? Nagtuturo na si Ms. Serrano pero wala pa rin si Pyro. Hanggang awasan, wala s'ya.
"Oh! Win, gusto mo bang sumabay sa amin?" alok ni Maecy.
"Hindi ako pwede eh. May gagawin pa ako eh. Next time na lang hah!" sabi ko.
"Oh how sad naman? Sige. Ingat na lang hah. Bye!" sabi n'ya habang nakangiti.
(My God! Yung bag ni Pyro pati gitara n'ya, nakalimutan n'ya.)
Binuhat ko yung bag n'ya at bitbit ang gitara then, pumunta akong principal office para ibigay kay Principal delos Reyes.
"Mr. Principal, nakita n'yo ba si Pyro?" sabi ko.
"Hindi eh! Hindi ba umattend ng klase?" sabi n'ya.
"Hindi po eh!" sabi ko.
"Saan kaya yun nagpunta? Naku, wala kang kasamang maglilinis! Ngayong araw na ito, huwag ka munang maglinis. Dapat sabay kayo ni Pyro. Iaadjust ko na lang ng sabado," sabi ni Mr. Principal.

BINABASA MO ANG
Autumn Leaves
RomanceMinahal ko siya hindi dahil namamangha ako sa kanya, minahal ko siya dahil ayun ang sinasabi ng puso't isip ko. Pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ang mahalin ko siya.