"Nakapasok ka na pala?" sabi ni Coco.
"Oo e-eh! Pwedeng makikiraan? Ako'y bibili lang sa canteen," sabi ko.
"Hindi pwede! Ikaw ang nagsumbong na ikinulong ka naming sa bodega, ano?" sabi ni Gigi.
"Anong pinagsasabi n'yo? Hindi ako nagsumbong no!" sabi ko.
"Ehh bakit kami pinarusahan ng principal kung 'di mo pala kami isinumbong," sabi ni Lala.
"Oh my! Baka si Pyro ang nagsumbong," bulong ko.
"Anong binubulong-bulong mo dyan hah?" sabi ni Lala.
"Ahh wala. Kung ayaw n'yo akong papasukin sa canteen, wala akong magagawa. Sige, bye!" sabi ko sabay takbo.
"Hoy! Huwag ka nga tumakas. Girls, habulin s'ya!" sabi ni Coco.
Habang ako'y nakikipaghabulan sa tatlong maldita iyon, ako'y napapunta sa laboratory. Doon ako nagtago panandalian. Nagmuni-muni hanggang matapos ang recess. Nagring ang bell, kaya lumabas agad ako at pumunta na sa room. Nakasalubong ko si Sir Lopez na kasalukuyang nakikipagtsismisan kay Ma'am Serrano.
"Oh Winter! Bakit ngayon ka lang babalik ng room? Nagring na ang bell ahh," sabi ni Sir.
"Sir, hinahabol po kasi ako nung tatlong maldita ay este yung Pretty Harmony. Akala nila isinumbong ko sila sa principal kaya sila naparusahan," pagpapaliwanag ko.
"Ahhh ganun ba? Pagsasabihan ko sila. Ako ang Music Coordinator ng school kaya kaya ko silang parusahan," sabi n'ya.
"Ahh salamat po! Pero huwag n'yo po akong isumbong na ako ang nagsabi sa inyo," sabi ko.
"Haha. Pag-uusapan natin yan mamaya. Kaya tara na sa room at may quiz pa kayo," sabi ni Sir.
"QUUUIIZZZ??? Oh my! Di pa ako nakakapagreview. Mauna na po ako sa inyo!" sabi ko habang nagmamadaling papasok sa room.
[Pyro's POV]
Parang ang tagal naman ni Winter. Siguro napahamak na naman yun sa kanyang kalampahang taglay. Wait, bakit nga ba ako concerned sa kanya. Huwag... Hindi pwede baka magalit sa akin si Margie.
"OHHH MYYY! I need to review. Baka bumagsak ako kay Sir Lopez," sabi ni Winter habang nagmamadali papunta sa upuan n'ya.
"Anong review ka dyan? Wala naming quiz kay Sir!" sabi ko.
"Huh? Kakasabi lang sa akin ni Sir ehh!" sabi n'ya.
"Wow, Winter! Ang bilis mo palang tumakbo dahil dyan, wala tayong quiz," sabi ni Sir.
"Ahh ahh naman, Sir! Akala ko'y totoo ehh. Pinagod pa ako," sabi n'ya.
"Ganyan lang talaga si Sir, palabiro. Hahaha!" sabi ni Ian.
"Hay naku, Winter! Pawis na pawis ka. Wala ka bang panyo o towel? Kababaeng tao, walang dalang panyo o towel. Oh heto, ipunas mo sa mukha mo," sabi ko.
"Salamat!" sabi ni Winter.
Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Medyo napapalapit na ako sa kanya. Hindi pwede ito.
[Winter's POV]
Ang sweet talaga ni Pyro. Pero kailangan kong umiwas sa kanya nang konti para hindi ako pagdiskitahan ni Margie pati yung kamember n'ya.
"Ahh Pyro, may sasabihin ko sa'yo," sabi ko.
"Ano yun?" sabi n'ya.
"Pwedeng medyo huwag ka munang lumapit sa akin para naman hindi ako awayin ng gf mo," sabi ko.

BINABASA MO ANG
Autumn Leaves
RomanceMinahal ko siya hindi dahil namamangha ako sa kanya, minahal ko siya dahil ayun ang sinasabi ng puso't isip ko. Pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ang mahalin ko siya.