[Pyro's POV]
Maghapon kong 'di kinakausap si Win-win. Iniisip ko kasi kung paano ko s'ya didiskartehin eh. Siguro maghihintay muna ako ng ilang weeks bago ko s'ya ligawan kasi kakabreak lang namin ni Margie baka sabihin n'yang rebound lang s'ya.
Biglang may nagtext sa aking phone.
"Myloves, 'di ko kayang mawala ka. Please naman!" text sa akin ni Margie.
Hindi ko na s'ya nireplyan. Binlock ko na s'ya sa contacts ko. Ang kulit na talaga. Magloloko s'ya tapos ano, ako'y magmumukhang engot kapag tinanggap ko na naman s'ya. Bakit ko ba s'ya nagustuhan? Naalala ko kasi na napanood ko s'yang kumanta sa corridor. Namangha ako sa kanya so niligawan ko. 'Di ko alam na magiging ganito s'ya kamaldita. Hayss...
"Maecy, tara na! Ako ang bahala sa'yo!" rinig kong sabi ni Win-win.
"May binabalak na naman si Margie kay Win-win. Lagot yun talaga sa akin!" sabi ko sa sarili ko.
Sinundan ko sina Win-win sa gate nang palihim pero nakita kong wala naman si Margie sa gate so it means safe na makakapunta sa café shop si Win-win pero gusto ko talaga s'yang kausapin.
Nung naghiwalay na sina Maecy at Win-win, sinundan ko si Win-win kaya lang may biglang nagtext sa akin.
"Hoyyyy, Prito! Samahan mo raw akong maggrocery sabi ni Daddy!" text ni Ate Princess sa akin.
Kainis itong Ate ko. Panira ng diskarte.
"Ayokooooo! Kaya mo na 'yang mag-isa," reply ko.
"Well, kung ayaw mo, hindi mo na makikita ang motor mo simula bukas dahil ayun ang kondisyon ni Daddy if hindi mo raw ako tutulungan. Papalag ka pa ba? :b" reply ni Ate.
Kainis talaga! Haysss. Marami pa namang next time para kausapin si Win-win.
"Oo na, sige na. Ikaw na ang panalo! Masaya ka na ba?" inis na reply ko.
"Okay, on my way na ako sa mall. See you when I see you, Prito!" reply ni Ate.
-------
Inside the Mall
"Bakit hindi si Aling Cynthia ang magggrocery ngayon? Tayo'y nahihirapan ngayon eh," reklamong sabi ko.
"Hay nakoooo! Syempre, gusto ni Daddy na lumaki tayong independent at responsible at ayaw n'yang tatamad-tamad sa mga gawaing bahay," sabi ni Ate.
"Haist! Sus. Dati-rati, ayaw mong maggrocery. Siguro may kameet up ka rito then gagawin mo akong chaperone. Bwisit ka!" sabi ko kay Ate.
Napahinto si Ate sa kanyang kinatatayuan at may pinagmamasdan. Tiningnan ko kung saan s'ya nakatingin. Aha! Kaya pala hah.
"Kaya pala huh! Nandito pala sa mall ang ex pong hilaw! Haha. Don't deny, Ate! Haha! Mahal mo pa rin no." lokong sabi ko.
"Oo, mahal ko pa rin s'ya kahit nanlamig s'ya sa akin dahil busy kami parehas sa career namin," walang pag-aalinlangang sabi ni Ate.
Susme. Direct to the point talaga sumagot itong ate ko kapag nandyan ung ex n'ya.
"S'ya ba ang ipinunta mo rito?" tanong ko.
"Nope, actually, may blind date ako ngayon kaya naggrocery tayo ngayon at nagsinungaling akong sinabihan tayong maggrocery. Hehe. Peace yow! Need kasi kita to judge my blind date if okay lang s'ya para sa'yo," sabi ni Ate.
"Ate naman ihh! Kaya pala kakaunti ang pinamili natin. Kainis ka talaga, Ate Esang!" sabi ko.
"Huwag mo akong tawaging Esang. Yung ex ko lang ang natawag sa akin nun," sabi n'ya.
Habang kami'y papalapit sa event ng ex ni Ate. I saw a familiar face sa stage. What theeeeeee. Si Win-win ba yun? Bakit s'ya nandun kasama nung ex ni Ate?
Busy si Ate. Katawagan n'ya ung kablind date n'ya. Pinagmasdan ko silang magduet. Nahihiwagaan pa rin ako kung bakit nandun si Win-win. Fan ba s'ya ni Cleo? Imposible naman yun.
"Prito, pupunta na ako sa kablind date ko, tara na! Makita pa tayo ni Cleo. Daliii!" sabi sa akin ni Ate habang hinihila n'ya ako.
"Wait, Ate! Naiihi ako. CR muna ako saglit," sabi ko.
"Sige, bilisan mo! Nasa Greenwich lang kami," sabi n'ya.
Habang papunta akong CR, nakita kong may nanggugulo sa event na parang gusto nilang kunin si Win-win. So hindi na ako nag-atubiling pumunta sa loob ng backstage at hinila si Win-win palabas ng event center. Tumakbo kami papuntang exit ng mall. I know na nakita ako ni Cleo pero dedma lang.
[Winter's POV]
Nasa labas na kami ng mall ni Pyro. Ako'y hingal na hingal kakatakbo.
"Win-win, pumasok ka muna ng kotse para 'di ka makita nung humahabol sa'yo," offer n'ya sa akin.
"Salamat! Siguro mahihiwagaan ka sa mangyayari so bago ko ikwento ang mga nangyari, I just need to rest muna. I'm super tired na," sabi ko.
"Inom ka muna ng tubig, iha," offer nung driver.
Ayy 'di ko napansing may driver pala. Sabagay, hindi pwedeng magdrive si Pyro ng kotse pero wait, nakakapagdrive s'ya ng motor so it means pwede na. Ang gulo naman. Tanungin ko na lang s'ya mamaya after kong magkwento.
Pumasok na rin sa kotse si Pyro. At heto na nga, kinuwento ko na ang mga nangyari sa akin.
"Grabe na talaga si Margie. Dinamay ka pa n'ya sa kanyang problema. To think na s'ya ang nanghiram ng pera sa mga kumag na yun. I will report it to my Dad," sabi ni Pyro.
"No need to report. Need nating iclarify na 'di talaga ako ang humiram ng pera nila pero paano ko mapapatunayan," sabi ko habang nag-iisip.
"Alam ko na kung paano. Just wait and I will be back soon with good news," sabi ni Pyro habang nalabas ng kotse.
"Wait, Pyro! Need ko na kasing umuwi," sabi ko kay Pyro.
"Ganun ba? Ipapahatid na lang kita kay Manong Guido," sabi n'ya.
"Manong Guido, pahatid naman yung friend ko sa bahay n'ya. Salamat po!" sabi n'ya sa driver.
"Friends lang ba talaga?" birong sabi ng driver.
"Manong Guido naman ehh!" asar na sabi ni Pyro.
Napatawa na lang ako sa likuran.
"Salamat, Pyro!"sabi ko habang naandar na ang kotse.
Ngumiti na lang s'ya.
[Pyro's POV]
*Unblocked* *Calling*
"Hello, babe! I miss you so much!"
"Margie, I need to talk you. ASAP. Nasa mall ako ngayon. Pumunta ka rito," sabi ko kay Margie.
![](https://img.wattpad.com/cover/46682653-288-k31127.jpg)
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves
RomanceMinahal ko siya hindi dahil namamangha ako sa kanya, minahal ko siya dahil ayun ang sinasabi ng puso't isip ko. Pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ang mahalin ko siya.