Chapter 1: The War

17 2 1
                                    

"Mahal na yata kita," sabi ko.

"Ha?! May sinasabi ka ba?" sabi n'ya.

"Ahh?! Wala, nagdadasal ako para ligtas akong makauwi sa amin," pagsisinungaling ko.

"Ahahaha! Ako ang bahala sa'yo, kapag kasama mo ako, lagi kang ligtas," sabi n'ya.

Napangiti na lang ako.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

First Day of Classes

Ano ba 'yan? Inaantok pa ako, ang agang manggising ni Mama. Naglalakad ako ngayon sa madilim na daan, madaling araw pa lang kasi, mag 5:00 am pa lang. Malayo kasi ang bahay namin sa school na pinapasukan ko. Iisa lang kasi ang school na pinakamalapit sa amin. Ayokong sumakay ng jeep kasi gusto kong masanay ang mga paa ko sa paglalakad atsaka exercise na rin ito. Isa lang namang baranggay ang tatahakin ko. Habang ako'y naglalakad, magpapakilala na ako sa inyo.

Hi! My name is Winter Dayne Diaz, in short Win-win. Kamukha ko raw ang lola ko nung kadalagahan pa n'ya, si lola ay Half-Korean at Half-Filipino. I'm 15 years old turning 16 on December 24, hindi pa sinagad sa 25 para marami akong regalong matanggap. Hahaha. I'm 4th year high school student. Transferee ako sa St. Simon University. Dati akong nag-aaral sa probinsya pero sabi ni Mama ay dito na lang ako mag-aral dahil kapag nag-aral ako rito, may scholarship akong matatanggap pagtungtong ko sa college at para mabantayan ko ang kapatid ko. Dito kasi s'ya napasok eh. Kahit masakit man sa aking kalooban nagtransfer ako. Pero nandito naman ang aking prince charming na si Rayver, kababata ko s'ya since 5 years old pa lang kami. Makulit s'ya minsan, malabing din naman s'ya. Pero 'di n'ya alam na gusto ko s'ya. Manhid kasi 'yun. (T^T).

Nandito na ako sa gate ng school. Here I go. Wow! Ang ganda naman dito, may malawak silang garden, sa gitna may fountain at puro puno pa. May glass house pa sila kaso hindi pwedeng pumasok, panghighest section lang daw yun. Hmmp! Ano naman yun? Bakit nga pala ako tumanggi sa magandang school na ito? Hmm... Ah! May masama akong nararamdaman sa school na ito. Hay! Makapunta na nga sa corridor para tingnan ang section at room no. ko.

Naglalakad ako papuntang bulletin board pero ang lakad ko ay happy walking. Habang ako'y naghahappy walking, may nabangga akong isang lalaki, ang gwapo n'ya.

"HOY! BULAG KA BA?" sigaw n'ya.

"Ay gwapo nga, failed naman sa ugali," pabulong kong sabi.

"Anong binubulong-bulong mo dyan ha?" sabi n'ya.

"Pasensya na! Hindi ko sinasadya na banggain ka, masaya lang kasi ako eh'" sabi ko.

"Ah talaga! May isasaya pa iyan kapag natikman mo ito," ngising sabi n'ya.

"HA?!" taka ko.

Tumayo s'ya at napatingin ako sa ibaba n'ya. Nagulat ako at napaisip. At nung natauhan na ako, sumigaw ako.

"AHHHHH! PERRRRRVEEEERT!" sigaw ko.

"Hoy! Anong pervert ka dyan?" sabi n'ya.

"TULUNGAN N'YO AKO AT MAY PERVERT DITO!" sigaw ko ulit.

"Tumahimik ka nga dyan!" sabi n'ya.

Bigla nya akong hinawakan sa kamay at bibig at napapunta kami sa glass house. Namangha ako sa kagandahan nito. Pero back to normal na ulit.

"Bakit mo ako dinala dito ha?!" tanong ko.

"Napakaingay mo atsaka 'di pa tayo tapos," sabi n'ya habang lumalapit sa akin.

"Anong gagawin mo? Aba, gusto pang dumihan ang napakagandang lugar na ito," sabi ko na may kaba.

"Hoy! Kung ano-anong iniisip mo dyan at hindi ako pervert," depensa n'ya.

"Bakit mo sinabing may isasaya pa ang kasiyahan ko kanina kong matikman ko kung anuman yun atsaka bakit bu... bu....?" putol na sabi ko.

"Ha? Ano? Anong bu...?" takang sabi n'ya.

"Bakit bukas ang zipper ng pantalon mo?" sabi ko habang tinuturo yung pantalon n'ya na hindi nakatingin.

Tiningnan nya ito at dali-dali nya itong isinara.

"Bakit ngayon mo lang sinabi na bukas ang zipper ko! Nakakahiya?!" sabi n'ya.

"Aba! Kasalanan ko bang bukas yan eh dapat chinecheck mo muna bago ka lumarga. Hmmph!" sabi ko habang pinipigil kong tumawa.

"Eh nakita mo yung loob???" nakakaawkward nyang tanong.

"Malamang! Hindi ako bulag noh," sabi ko habang tawang tawa ako.

"Oo na! Tama na! May kasalanan ka pa rin sa akin, kung hindi mo ako binangga eh di sana nasundo ko na ang g--" putol nyang sabi.

"Hoy! Bakit ka napatigil dyan?" tanong ko.

"GF KO?!" sabi n'ya.

"ANO??" sabi ko.

Bigla s'yang tumakbo.

"Hoy! Sandali lang," sigaw ko.

Malayo na s'ya. Arrrgh! Makapunta na ngang bulletin board. Nasayang ang oras ko rito gawa nung lalaki na iyon. Napaisip ako, kung highest section lang ang pwedeng pumasok doon, eh di nasa highest section s'ya. Hay! Bakit ko pa yun iniisip?

Naglalakad na ako sa corridor. Ang daming tao sa bulletin board kaya nakipagsiksikan ako.

"Makikiraan po saglit," sabi ko.

Nakita ko na yung section ko pati yung room no. kaya on the way the room na ako. Narinig kong nagbell na kaya kailangan ko nang makapunta sa classroom. Nagtatakbo ako sa corridor hanggang may nakita akong lalaki at babaeng nagtatalo. Hindi ko na lang pinansin pero parang pamilyar yung lalaki kaya sumilip ako saglit.

"Magbreak na lang tayo kung ganun lang ang nangyayari sa atin!" sabi nung girl sabay pasok sa room at napatingin sya sa akin.

At heto namang lalaki na ito, napaupo sa sulok at nag-eemote. Akala mo naman hindi s'ya mabubuhay kung wala yung babae mahalaga sa kanya. Parang may gumagalaw sa buhok ko pati ang ingay. Tumingin ako sa likod.

"Bubuyog lang pala. BUBUYOG?! AAAAAAAHHHH!" sigaw ko.

Binubugaw ko yung bubuyog pero ayaw umalis kaya napaatras ako. Malapit na ako sa hagdanan. PATAY!

"AAAAHHH!" sigaw ko.

Parang hindi ako nasaktan. Wow! May kapangyarihan ba ako? Pero hindi eh may nakahawak sa aking waist. Dumilat na ako at nakita ko na naman si Bukas-Zipper Guy. Parang biglang bumagal ang oras. Ayaw pa n'ya akong bitawan.

"I'm okay now! Pwede mo nang tanggalin ang kamay mo sa aking baywang," sabi ko.

"Ah sorry!" sabi n'ya sabay bitaw sa akin.

"Thanks for your kindness!" sabi ko.

"You're welcome!" sabi n'ya.

"I have to go! Good bye!" sabi ko sabay lakad agad pero hindi ako naabante, may kumakapit sa akin.

"Hindi ka pa pwedeng umalis dahil may pag-uusapan pa tayo," sabi n'ya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Bitawan mo nga ako!" sabi ko habang pumupumiglas.

"Meron!" sabi n'ya.

"Tawag ka oh!" sabi ko habang nakaturo sa likod n'ya.

Lumingon naman s'ya. Nakawala ako. Hahahaha. Bye.

"Wait!" sabi n'ya habang hinahabol ako.

Hinahabol n'ya ako kaya pumasok na ako sa room ko at parang nag-oorient na ang teacher namin.

"Ms. Diaz, you're late!" sabi ng teacher ko.

"And you too, Mr. delos Reyes!" pagpapatuloy n'ya.

Napatingin ako sa likod at s'ya yun. Eh di ibig sabihin nun, magkaklase kami.

(WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! What a nightmare!)

Autumn LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon