[Winter's POV]
Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ako masyadong nakatulog. Nahihilo pa ako sa antok habang ako'y papasok na sa aming school. Hindi ko rin namalayang ang daming estudyante ang nakatingin sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan.
"Win-win, dalian mo't pumasok ka na sa room natin. May malaki kang problemang hindi mo nanaising marinig," hila sa akin ni Maecy na napaparanoid.
"Hah? Bakit? May ginawa ba akong mali? Susko, haharap na naman ako sa principal," sabi ko habang hila-hila ni Maecy papuntang room.
Bago pa kami makarating sa aming room, hinarangan kami ng tatlong amazonang unggoy.
"Ano na naman ba? Hindi n'yo na ba talaga ako titigilan?" sabi ko nang naiinis.
"Paano kami titigil kung hindi mo tinitigilan ang boyfriend ni Margie?" sabi ni Coco.
"Ano ba ang problema n'yo? Bakit lagi kayong nagpapauto sa Margie na 'yan? Kapag ba nagawa n'yo ang gusto n'ya, anong benefits ang makukuha n'yo?" sabat ni Maecy.
Biglang napayuko yung tatlo so chance na naming tumakas ni Maecy. Sinenyasan ko si Maecy para makatakbo kaming dalawa.
"Goooooooooooo! (sabay takbo)" sigaw ko.
Nagulat yung tatlo at sinundan kami pero hindi nila kami inabutan.
"A-ano baaa ang problemaa nung mgaa iyunn haysss?" hingal na hingal na sabi ko.
"Win-win, pinagkalat nila na inahas mo raw si Pyro kaya nagbreak yung dalawa ni Margie," sabi ni Maecy na hingal na hingal din.
Bigla akong tumayo at nagsabing:
"Ang kakapal ng mga mukhang magkalat ng mga balitang hindi naman totoo. Ikaklaro kong wala akong gusto kay Pyro at never kong sinira ang relationship nilang dalawa!" sabi ko with paninindigan.
"Talaga?" biglang sabi ni Pyro na saktong kararating lang.
Napalunok ako bigla sa sinabi n'ya pero nareplyan ko naman agad ang sagot n'ya.
"Yes! (sabay upo sa upuan ko)" sabi ko.
Hindi na s'ya umimik at umupo na rin s'ya sa upuan n'ya. Buti na lang nagpalit kami ng pwesto ni Maecy. Natapos ang maghapon na wala namang nangyaring kakaiba sa akin. Syempre, hindi ko maiwasang tingnan s'ya at anong nangyayari sa kanya.
"Ang gulo n'ya talaga. Bakit ang cold n'ya ngayon? Dahil ba nireject ko s'ya? Ayoko lang namang ipahamak ang sarili ko sa warfreak n'yang ex-gf," sabi ko sa isip ko.
Habang malalim ang iniisip ko, bigla akong tinawag ni Maecy.
"Oh bakit, Maecy?" tanong ko.
"Win-win! Inaabangan ka ni Margie sa labas ng gate. Nako, paano ka makakalabas?" tarantang sabi n'ya.
"Eh di harapin, ikaw talaga!" sabi ko.
"Wow! Lagi ka ngang kinakawawa nung mga yun," sabi n'ya.
"Para matapos na ang gulong ito atsaka gusto ko nang pumayapa ang buhay ko rito sa school na ito," sabi ko.
So naglalakad na nga kami sa ground papuntang gate pero wala si Margie sa labas ng gate.
"Oh wala naman ahh. Buti naman kung ganun. Hay!" sabi ko na may pagkagaan ng kalooban.
"Oo nga no! Sumuko na yata kakahintay. Sige, sabay na tayo!" sabi ni Maecy.
Nagkahiwalay na kami ni Maecy. Habang naglalakad ako papuntang café shop nang biglang may nakita akong nagtatalo sa may playground.
"Si Margie yun ahh, bakit ganun ang mga kasama n'ya parang mga sanggano?" sabi ko sa isip ko.
Nakita ko na sinasaktan na nila si Margie so ako naman, walang ano-ano, nakieksena kahit alam kong wala akong kakayahang lumaban.
"Hoyyyy, mga sanggano, tigilan n'yo nga yan. Bad yan! Tatawag ako ng pulis, sige kayo!" sabi ko habang kinukuha ang phone ko.
"S'ya! S'ya ang kumuha ng pera n'yo. Ibinigay ko sa kanya ung pera," sabi ni Margie habang tinuturo ako.
"Anong pinagsasabi mo, Margie? Wala ka namang binibigay sa aking pera," takang sabi ko.
"Ikaw pala hah! Bayaran mo kamiiii!" sabi nung isa sa mga sanggano.
Nung narinig yun ng mga sanggano, bigla nilang iniwan at pinakawalan si Margie at pumunta sa akin ang mga ito. Oh no! What to do?
![](https://img.wattpad.com/cover/46682653-288-k31127.jpg)
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves
RomanceMinahal ko siya hindi dahil namamangha ako sa kanya, minahal ko siya dahil ayun ang sinasabi ng puso't isip ko. Pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ang mahalin ko siya.