Chapter 2: Save Me!

17 2 3
                                        

Nagmadali akong pumasok sa room at umupo sa likuran. Eto namang lalaking ito pandisunod sa akin, tumabi pa. Buti na lang malapit ako sa bintana. Pinagmasdan ko yung punong walang bunga. Habang ako'y nakatingin sa labas, heto namang lalaking ito, kulbit na lang nang kulbit.

"ANO BA ANG PROBLEMA MO?" sigaw ko.

Nagulat s'ya. Kaya pala s'ya kumukulbit dahil iaabot n'ya sa akin yung attendance sheet para icheck ang name ko dun. Nakatingin sa akin lahat pati ang teacher namin.

"Ms. Diaz, let's talk later!" sabi ko.

"Opo!" sabi ko sabay tungo.

"Good! Okay, class! Introduce yourself in front.

(Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Kasalanan kasi ng lalaking ito eh!)

Bigla akong napatingin sa lalaking ito. At aba, nakangiti pa. Hmmmph! Hindi ko na lang papansinin. Habang nagsisipagpuntahan sa unahan ang mga kaklase ko. Ako nama'y nagsusulat ng class schedule.

"Next?" sabi ni teacher.

Biglang tumayo ang katabi ko at pumunta sa unahan pero hindi sa gitna, sa tagiliran.

"Pwede bang pakinggan n'yo kahit konti lang, yung iba dyang hindi nakikinig lalong lalo na yung babaeng nasa likod," sabi n'ya habang nakangisi.

(Aba! Ginagalit ako nitong lalaking ito ha! May pamention-mention pang nalalaman.)

"Hi! My name is Pierce Xyro delos Reyos but you can call me "Pyro." Ayun lang, thank you!" pagpapakilala n'ya at dali-daling bumalik sa kanyang upuan.

"Next?" sabi ni teacher.

Parang ako na lang yata ang hindi pa nagpapakilala sa unahan. Tumayo ako at pumunta sa unahan. Biglang may pumalakpak nang malakas. Tumingin ako nang masama sa kanya. Nang-iinit ang dugo sa kanya. Nakakagigil! ARRGGGH!

"Mr. delos Reyes, stop that. Ms. Diaz, go!" sabi ni teacher.

"Hi! My name is --" putol na sabi ko.

May kumatok kasi sa may pintuan at parang may sasabihin. Ibinulong nung lalaki yung sasabihin n'ya.

"Pierce Xyro delos Reyes and Winter Dayne Diaz, please proceed to the principal's office! Now na," sabi ni teacher.

(Oh my! Ano naman ito? Grabe naman ang nangyayari sa akin.)

Tumayo na si Pyro at lumabas na sa room. Ako nama'y sumunod na lang.

"Oh my! Kuya, bakit daw po kami pinapatawag sa principal's office," sabi ko habang nagwoworry ako.

"Ahm... Hindi ko po alam eh. Ang sabi lang po'y pumunta kayo sa principal's office," sabi n'ya.

"HOY! Ikaw, kasalanan mo na naman ito nuh. Lagi akong nadadamay sa mga kalokohan mo," sabi ko kay Pyro.

Hindi n'ya ako pinakinggan. Hays! Sasapakin ko na ito eh. Nandito na kami sa harap ng pinto ng principal's office.

"Sige, pasok na kayo!" sabi ni Kuyang nagpatawag sa amin.

Kumatok muna si Pyro at pumasok. Ako nama'y sunod lang nang sunod. Nung pumasok na kami. May nakita akong lalaking nakaupo. Baka s'ya yung principal namin.

"Mr. Principal, bakit n'yo kami pinatawag? May nagawa po ba kaming masama?" tanong ko.

"Hoy! Bakit ka tahimik dyan? Magtanong ka!" pagpapatuloy ko.

"Please take a seat!" sabi ni Mr. Principal.

Umupo kaming dalawa ni Pyro. Heto namang si Pyro ay napakatahimik. Akala mo namang kakainin ni Mr. Principal.

Autumn LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon