[Winter's POV]
"Bitawan mo nga ako. Wala akong kaalam-alam sa problemang pinasok ni Margie!" sigaw ko habang pinipilit nila akong pasakayin sa kotseng itim.
"Tumahimik ka nga! Nakakarindi ka na!" sigaw nung sanggano sabay sampal sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko pang mamatay. Huhu. Dahil walang taong tutulong sa akin, tutulungan ko na lang ang sarili. Nakasakay na ako ng kotse pero bukas pa rin ang pinto ng gate. Pagkakataon ko na itong tumakas.
"Kuya, kaninong singsing yun, parang ginto. Ang ganda naman nun, sayang naman kung iiwan natin," pagsisinungaling na sabi ko.
Bumaba yung katabi kong sanggano na malapit sa pinto ng kotse.
"Nasaan at akin yun?" sabi nung sanggano.
"Ang bulag mo naman, Kuya! (Bumaba ako ng kotse). Heto ohhh!" sabi ko sa kanya habang hinagisan ko s'ya sa mukha ng buhangin.
"Aaaaaraaaaaaaaay!" sigaw ng sanggano.
Tumakbo ako nang mabilis. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hinahabol pa rin nila ako. So may nadaanan akong mall, pumasok ako dun para magtago. Halaaaaa. Hinahabol pa rin nila ako. Luckily, may costume event sa mall so nagdisguise ako at nakijoin sa mga tao.
"Nasaan na yun? Lintik na yun?" sabi nung isang sanggano sa inis.
"Kuya, yung mga mata ko, sobrang sakit. Huhu" sabi nung hinagisan ko ng buhangin. Kahit papaano I feel sorry sa kanya.
Nawala na sila so need to go home na at baka maabutan pa nila.
Pero nung aalis na ako, bigla namang nagsitinginan ang lahat ng tao sa akin.
Oh nooo! Ano na naman ito? I'm so tired.
[Unknown Guy's POV]
"Hey! Magsstart na. Magready ka na sa iyong fansign," sabi ng manager ko.
"Sino bang nakaisip na gawing costume fansign ito? So baduy!" sabi ko.
"Yung event organizer para naman enjoyable at memorable din. At makikita rin natin ang mga tunay mong supporter no kaya tara na," sabi ng manager ko.
Sumilip ako sa may stage and I saw many people wearing their costumes but suddenly, I saw a familiar face hiding on the back.
"Becca, can I see the program?" sabi ko sa manager ko.
Inabot sa akin ung program so nakita kong may duet portion pa ang event na ito.
"So this is it! Pansit!" sabi ko.
"Huh? Gusto mo ng pansit? Bakit ngayon mo lang sinabi para makaorder na ako?" sabi ni Becca.
"Nevermind! Sige na at ako'y pupunta na ulit sa stage," sabi ko.
"Good evening, everyone! Tonight we will welcome our special guest, he is the lead vocalist of the band "Azure Blue" and currently has a solo album named "Skylight. Let's welcome the charming angel of our dreams, Cleo Sky Sebastian," introduce sa akin ng host ng event.
"Hello, everyone! Sorry for waiting too long so now, I will pick one person in the audience na makakaduet ko here in stage. So I pick the girl wearing a witch hat and eyeglasses." sabi ko sa unahan and I saw her reaction. Nagulat ko yata s'ya.
[Winter's POV]
What the flying duck!" Why me? Why he chose me? Sa 'dinarami-rami ng tao rito sa event, ako pa ang napili n'ya!
Nagsisignal na ako na ayoko at I need to go home. But nakita ko ulit ung mga sanggano. Oh no! What to do?
"Miss, ayaw mo ba? If ayaw mo, let's pick someone na gustong makaduet si Cleo," sabi ng host.
"Gusto ko s'yang makaduet kaya I chose her," sabi nung Cleo sa host.
Kainis naman. Mas lalo akong makikita ng mga sanggano kapag umakyat ako sa stage. Pero the event host ay sinundo na ako. Shocks! Nakakahiya. I saw some girls staring at me na parang papatayin na ako. Sumilip ako kung saan naroroon ung mga sanggano pero wala na sila. Hayss, salamat naman. After this, sibat na agad ako.
"Hey, what's your name, lucky girl?" tanong sa akin ng host.
"I'm Winter," sabi ko.
"Ohh nice name. So can you sing?" tanong uli ng host sa akin.
"I guess!" pahumble na sabi ko. Ayoko namang magmarunong at baka mayabangan ang ibang tao sa akin.
"Ohh cool! Matagal ka na bang fan ni Cleo?"
Oh nooo! Kapag sinabi kong napadaan lang ako rito and I don't know Cleo baka mapahiya s'ya. Syempre ako rin, mapapahiya.
Bago ko pa masagot ung tanong nung host ay nakita ko si Pyro. Oh my! Namimili yata sila ng ate n'ya.
"Hindi pa gaano katagal," yan lang ang nasabi ko.
"So now, let's give them a round of applause," sabi ng host.
"Ahm... Anong kakantahin natin?" tanong ko dun kay Cleo.
"Ang ganda mo pala sa malapitan," reply n'ya sa akin.
"Huh? Sorry, 'di ko alam ang kantang yun?" sabi ko na medyo nahiya.
"Ay este, do you know the song "Perfect" by Ed Sheeran?" sabi n'ya.
"Yeah! Super fan ako ni Ed Sheeran," sabi ko.
"Oh really? Me too. Both pala tayong fan ni Ed Sheeran so let's start," sabi n'ya.
"Okay!" sabi ko.
Habang kami'y nagduduet, I saw Pyro watching us. Oh my. Bakit ba nangyayari ito sa akin? Nakita ko na umalis na si Pyro. Kita ko sa kanyang mukha ang pagkainis.
"WOWWWW! Your voice is so great!" manghang sabi ng host.
Nagpalakpakan ang mga tao.
"Thank you for singing with me!" sabi ni Cleo.
"You're welcome! Sorry but I need to go," sabi ko.
"Can I get your num--" putol na sabi ni Cleo.
Bigla kasing may sumigaw. At heto na nga ba ang ikinatatakot ko. Nakita ako ng mga sanggano. Grabe na talaga na ito. Huhu. Pagpahingahin n'yo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Biglang may humila sa akin pababa ng stage at tumakbo kami papuntang exit ng mall. Nakita kong si Pyro ang nanghila sa akin.
"Pyro?" narinig kong sabi ni Cleo.
Magkakilala sila.

BINABASA MO ANG
Autumn Leaves
RomanceMinahal ko siya hindi dahil namamangha ako sa kanya, minahal ko siya dahil ayun ang sinasabi ng puso't isip ko. Pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ang mahalin ko siya.