[Rayver's POV]
Ang ganda pa rin ni Winter at ang ganda pa ng boses n'ya. Pero hindi ko s'ya pwedeng mahalin kasi nakaarrange na ang mapapangasawa ko kahit labag sa kalooban ko. Mahal ko si Winter at alam ko ring may gusto s'ya sa akin. Pero baka masaktan ko lang s'ya. Pero kailangan n'yang malaman na mahal ko s'ya kahit mawalan pa ako ng mana, okay lang basta't makasama ko lang s'ya.
Bumalik ako sa bahay ni Winter. Pero hindi ako tumuloy dahil may nakita akong dalawang taong magkayakap. Naaaninag kong yung babae ay si Winter. Sino yung lalaki? Mukhang pamilyar.
[Pyro's POV]
"Ano ba, Margie? Bakit mo pa pinatulan ang matanda? Hindi naman n'ya sinasadya ehh," sabi ko.
"She ruined my dress! Paano ako makakakanta ng ganun ang itsura ko? Kakainis talaga ihh!" gigil ni Margie.
"Bakit ka ba laging ganyan? Feeling ko hindi na magwowork ang relationship natin," sabi ko.
"Bakit? Huwag na naman. Please! Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang!" sabi n'ya.
"Hindi ako magbibiro. I'm completely falling out of love with you! Nakikita ko na lang na puro away bati tayo. Sawa na ako sa mga nangyayari!" sabi ko.
"Ang sabihin mo lang, may iba ka ng mahal. Si Winter ba ha? Sabihin mo Pyro, si Winter na ba ang laman ng puso mo?" sabi n'ya habang lumuluha na.
"Aaminin ko, oo. Nagkakagusto na ako kay Winter pero hindi yun ang rason kung bakit nakikipaghiwalay ako. Nalaman kong may iba kang nilalandi, narinig ko ang conversation n'yo nung pumunta ka sa amin. Kay Winter ko lang nalaman kung ano yung meaning nung sinabi mo kay Edward," sabi ko.
"Hindi yan totoo! Baka mali ang nasabi sa'yo ni Winter! Gusto lang n'yang sirain ang relationship natin! Please... Kaklase ko lang yung Edward," pagmamakaawa n'ya.
"Ayoko na! Bye!" sabi ko habang papaalis na at sumakay sa motor.
PYYYYRRRROOOO! DON'T LEAVE ME!" sigaw n'ya habang umiiyak.
Bumalik ulit ako sa Café Shop. Nakita ko na nakanta sa stage si Winter. Ang ganda talaga ng boses n'ya. Pero feeling ko, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya gawa ng nangyari sa amin ng bestfriend n'ya na feeling ko na may gusto rin sa kanya. Abangan ko na lang s'ya sa harap ng bahay n'ya para naman may private talk kami. Umalis na ko at nagdrive papunta sa kanila.
"Ang tagal naman n'yang umuwi!" sabi ko sa sarili ko.
*BOOGS!*
"WOOOOAAAHH! Ano yun?" gulat ko."Meow!"
"Ay pusa lang pala. Akala ko kung ano na," sabi ko sa sarili ko.
Noong bata pa lang ako, matatakutin na ako; hindi ko lang pinapahalatan baka ako'y asarin lang.
Ohh parang may paparating, tatago muna ako. Ahh si Win-win pala kasama si Asungot (Rayver). Dalian mo! Umalis ka na! Oh my! Nakipagkwentuhan pa sa Mama ni Win-win ehhh. Ayun, umalis na rin sa wakas. Pinaandar ko na ang motor ko at pumunta sa harap ng bahay nila. Bigla s'yang napatingin sa akin.
[Winter's POV]
"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? Gabi na ahhh" pagtatakang tanong ko.
"Pwedeng isa-isa? Mahina ang kalaban," sabi n'ya.
"Ay pasensya naman! Bakit ka nandito?" sabi ko.
"Nandito ako para magsorry sa lahat ng ginawa ni Margie sa'yo," sabi n'ya habang hawak ang dalawa kong balikat.
"Ahhh ehhh okay lang naman sa akin. Akala n'ya kasi nilalandi kita kahit hindi naman," sabi ko.
"Winter, wala na kami ni Margie. Tinapos ko na ang relasyon ko sa kanya," sabi n'ya.
"Hala. Bakit?" sabi ko.
"Hindi ko na s'ya maintindihan. Away bati na lamang kami. Sawa na ako," sabi n'ya.
"Win-win, I'm sorry to say but I really like you," sabi n'ya na biglang niyakap n'ya ako.
"Ahmm... Wait lang! 'Di kita maintindihan. Sorry pero hindi kita kayang mahalin at hindi kita pwedeng mahalin," sabi ko.
"Bakit?" sabi n'ya.
"Ang bilis kasi ng pangyayari. Kanina lang kayo nagbreak ni Margie tapos ngayon sasabihin mo sa akin na gusto mo ako. Parang ako ang maiipit kapag nalaman n'yang gusto mo ako," sabi ko.
"Alam na n'ya! Akong bahala sa kanya kapag ginulo ka nya," sabi n'ya.
"Sorry, Pyro pero hindi ko kaya," sabi ko.
"Okay lang kahit hindi ngayon. Maghihintay ako para sa'yo," sabi n'ya.
"Sorry talaga, hindi kita pwedeng mahalin," yan ang last na sinabi ko sa kanya at pumasok na ako sa bahay at iniwan ko s'ya na nag-iisa.
Napaupo ako sa may pinto at biglang tumulo ang luha ko sa mga mata ko.
"Bakit ganito? Ang sakit-sakit sa feeling na ireject ang taong nagpapasaya sa akin. Pero sino ba talaga ang mamahalin ko, si Rayver na matagal ko nang gusto simula nung mga bata pa kami na alam ko namang hanggang magkaibigan lang kami o si Pyro na biglang ginulo ang buhay ko dahil sa warfreak n'yang ex-gf pero kapag nakikita ko s'ya sumasaya ang puso ko."
"Ate? Okay ka lang ba?" biglang sulpot ni Warren.
Hindi na ako nakapagsalita at napayakap na lang ako sa kapatid ko sa sobrang lito at sakit ng puso ko.
"Arrggghh! Hindi ako makatulog. Ano na ang gagawin ko? Paano ko haharapin si Pyro bukas sa school? Haysss. Bugbog-sarado na naman ako kina Margie pati sa mga amazonang unggoy."
Habang nag-iisip ako, biglang may nagtext sa akin. Unknown number na naman, sino na naman ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/46682653-288-k31127.jpg)
BINABASA MO ANG
Autumn Leaves
RomanceMinahal ko siya hindi dahil namamangha ako sa kanya, minahal ko siya dahil ayun ang sinasabi ng puso't isip ko. Pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong mali ang mahalin ko siya.