Chapter 7: Welcome Back

4 0 0
                                    

"Ohh bakit ngayon ka lang, Prito? Hinahanap ka ni Papa kanina pa!" sabi ni Ate Princess.

"Ahhh masyadong maraming nangyari sa araw na ito. Pasabi kay Papa na bukas na lang at ako'y pagod na," sabi ko habang umaakyat papuntang kwarto ko.

"Okay. By the way, nakita kita sa Café Shop. Break na ba kayo ni Margie?" sabi n'ya.

"Hindi no!" sabi ko.

"Ehh sino yung kaduet mo na ang ganda ganda ng boses?" tanong n'ya.

"Ahh si Winter, kaklase ko. Mahabang istorya kaya bukas ko na lang sasabihin sa'yo," sabi ko.

"Akala ko pa naman, break na kayo. Sayang, ang gaan-gaan ng loob ko sa kaduet mo. Oh well, good night!" sabi ni Ate.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Ate. Naku, baka nagtetext sa akin si Margie. Ay shocks, hindi pa pala ako nakakabili ng bagong cellphone. Bukas na lang ako bibili. Hayyy! Ako'y inaantok na. Makatulog na nga.

[Winter's POV]

Hayyy! Ang sakit ng paa ko. Sabi ni Mama ay hindi ako makakapasok ng isang linggo. Magpahinga muna raw ako. Ayoko naman kasi kaya ko naman kapag may saklay. Naku, nangako naman sa mga tao na kakantahin ko yung mga nirequest nila. Sige, itetext ko na lang si Lisa na hindi ako makakapunta ng isang lingo.

"Hi, Lisa! Win-win ito. Pasensya na at hindi ako makakakanta sa Café Shop n'yo bukas hanggang sa susunod na araw, medyo malala ang kondisyon ng aking paa eh. Maghanap muna kayo ng ipapalit sa akin panandalian lang," text ko kay Lisa.

"Ayyy ganun ba? L Sige, pagaling ka hah! Sabihin ko kay Pyro na humanap s'ya ng partner n'ya habang wala ka pa," reply ni Lisa.

"Salamat hah! Pakisabi na rin kay Pyro na hindi ako makakapasok sa school," reply ko.

"Okay! J Good night!" reply n'ya.

"Good night din! J" reply ko.

Makatulog na nga lang. Baka sakaling paggising ko ay ayos na ang paa ko. Sana nga!

[Margie's POV]

"Yari sa akin 'yang babaeng iyan! Napakahaliparot! Hindi na nahiya! Kinakalintari pa yung bf ko!" galit ko.

"Bakit ayaw mo pang hiwalayan si Pyro? 'Di ba may bago ka na?" sabi ni Coco.

"Hindi pa pwede! Hangga't hindi pa tapos ang school year, hindi ko pa hihiwalayan si Pyro. Nakasalalay sa kanya ang kinabukasan ko bilang isang singer. Kapag hindi mataas ang mga grado ko, hindi ako makakapasok sa gusto kong university," sabi ko.

"Parang ang selfish naman nun!" sabi ni Lala.

"At ang unfair kay Pyro kasi ginagamit mo lang s'ya para sa'yong pansariling kagustuhan," pangangatong pa ni Gigi.

"Shut up! Mga kakampi ko ba kayo?" sabi ko.

Napayuko na lang sila.

"Hangga't lumalapit si Winter na 'yan kay Pyro, mas lalong lumalayo ang chance ko na makapasok sa university na gusto ko," sabi ko.

"Bigyan n'yo ng leksyon si Winter para hindi mabigo ang pangarap ko!" dagdag ko.

"Okaaaaaaay!~" sabi nila with harmony pa.

"Matitikman mo ang galit ng isang Margarita Lucienne Zamora!" sabi ko.

"Uyy, Margie! Dito sila nakanta ni Pyro," sabi ni Lala.

"Tingnan mo, temporary position para sa Female singer oh! Baka makapartner mo si Pyro!" sabi ni Coco.

"Ahh sige... Ittry ko!" sabi ni Margie.

Autumn LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon