Chapter 6: Perfect Combination

6 0 0
                                    

[Winter's POV]

"Hmmm... Nasaan ako?" sabi ko habang minumulat ang mga mata ko nang dahan-dahan.

Una kong nakita ang mukha ni Pyro na mukhang nag-aalala sa akin nang sobra.

"Okay na ba? Nasa clinic ka. Ano ba ang nangyari? Bakit ka nasa loob ng bodega? Sino ang may gawa nito sa'yo?" sabi ni Pyro na parang praning sa daming tanong sa akin.

"Ano ko ba? (Napangiti) Pwedeng isa-isa muna? Mahina pa ang kalaban ehh," sabi ko.

"Ay sorry, Ano ba ang nangyari sa'yo?" sabi n'ya.

"Ikinulong ako roon nung mga kamember ng gf mo, sila raw yung "Pretty Harmony." Nabwisit daw sa akin si Margie kaya nila ako pinagtulungan na ikulong dun," sabi ko.

"Pasensya na dahil sa akin, napapahamak ka," sabi n'ya.

"Okay lang! Sanay na akong kaya-kayanin ng ibang tao," sabi ko.

"Ahhh dapat huwag ganun, dapat lumalaban ka. You should need to fight for your rights," sabi n'ya na may pagkaOA.

"Wow ha! Oh sige sige, ittry ko," sabi ko.

Biglang nagpatugtog ng radyo ang nurse ng school. At bigla ko ring naalala yung café shop na dapat magpeperform ako.

"SHOCKS!" sigaw ko.

Nagulat si Pyro pati yung nurse sa sigaw ko.

"Oh anong problema?" sabi ni Pyro.

"Anong oras na? Kailan ko nang magmadali? May kailangan akong puntahan!" sabi ko na napaparanoid.

"Easy lang! Saan ka ba pupunta?" sabi n'ya.

"Basta! Ihatid mo na lang ako dun. Nakasalalay ang mga buhay nila sa akin. Kaya kapag hindi ako nakapunta agad, tiyak sira na ang lahat," sabi ko na nagmamakaawa.

"Oh sige! Ihahatid kita gamit ang motor ko. Kailan ba natin ng back-up? Pulis? Baka anong mangyari sa kanila at sa'yo," sabi n'ya na natataranta.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi yun ganun. Basta! Ihatid mo na ako. Huwag ka nang tumawag ng mga pulis, hindi natin sila need dun. Let's go na!" sabi ko habang papaalis sa kama.

"ARAAAAAAAY! ANG SAKITTTT!" sigaw ko.

"Ahhh hindi ko pala nasabi na lumala yung bali sa paa mo dahil sa pagkakatumba mo kanina sa bodega," sabi n'ya habang nakakamot sa ulo.

"Kung gusto mo buhatin na lang kita, kung okay lang naman sa'yo?" sabi n'ya habang nakayuko.

"Ano pa nga ba? Wala na akong choice kundi kumalong sa'yo," sabi ko na parang nag-aalinlangan.

"Grabe s'ya sa walang choice. Tara na!" sabi n'ya habang binubuhat ako.

Habang buhat-buhat na n'ya ako, nakita ko yung nurse na parang kinikilig sa nakikita n'ya. Hay... Pero ang sarap pala sa feeling na may bumubuhat sa'yo. Pero nahihiya pa rin ako sa kanya. Ito yung second time na nangyari ito, yung pagbuhat n'ya sa akin.

[At Café Shop]

[Raffy's POV]

"Nasaan na kaya si Miss Winter? Akala ko ba na magsisimula s'ya ngayon?" sabi ko.

"Baka naman may ginagawa pa. Just wait, for sure paparating na yun. Medyo maaga pa naman ehh, 4:15PM pa lang. Magsstart tayo ng 5PM," sabi ni Lisa, cashier sa Café Shop.

"Sana nga kung ganun!" sabi ko.

"Tiwala lang!" sabi ni Lisa.

(Nakalipas ng 45 minutes)

Autumn LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon