Chapter 4: Show Your Talent

10 1 0
                                    

[Pyro's POV]

Shocks! Nasira ang phone ko. T^T Bakit hindi ko muna nilapag bago ako sumisid sa pool. Tsk. Baka nagtetext na yung gf ko at baka nabigla lang s'ya sa kanyang sinabi sa pagcool off sa akin.

"Prito, nandito ang gf mo!" sabi ng aking kapatid habang kumakatok sa pinto.

Dali-dali akong lumabas ang kwarto at tiningnan nang masama si Ate Princess. Prito kasi ang lagi n'yang sinasabi kapag inaasar n'ya ako. Nakita ko si Margie sa may sala.

"Margie, bakit ka nandito, 'di ba sabi mo cool off muna tayo?" sabi ko.

"Babe! Hindi ko kayang wala ka eh. I'm sorry sa sinabi ko kanina sa school, medyo nabigla ako," sabi n'ya habang nakayakap sa akin.

"Malan.....de. *cough* malan....de"

"Ate, umalis ka rito!" sabi ko.

"Inuubo ako eh. Saan ako dadaan papuntang kusina para kumuha ng gamot. D'yan na nga kayo," sabi ni Ate.

Umalis na si Ate sa wakas. Bitter lang kasi yun, wala kasing boyfriend. Hahaha. 

"Babe! Tulungan mo naman ako sa assignments ko, hindi ko talaga maintindihan itong math. Hindi kasi magaling magturo si Ma'am Gutierrez," sabi n'ya habang binubuksan ang notebook n'ya.

"Tingnan ko nga! (Kinuha ang notebook at sinagutan ko na.) Madali lang naman eh!" sabi ko pero hindi s'ya nakikinig, nanonood lang s'ya ng TV.

"Margie naman eh! Siguro hindi ka nakikinig kay Ma'am Gutierrez kaya hindi mo naintindihan itong topic na ito," sabi ko.

"Babe, may ice cream kayo dyan! Pahingi naman," sabi n'ya.

Bigla akong tumakbo sa kusina at binuksan ko ang ref. Bakit wala rito yung ice cream? Nakita ko sa lamesa si Ate, kumakain ng ice cream habang nagffacebook.

"Ayan pala ang ang gamot sa ubo hah!" sabi ko sabay kuha yung ice cream at takbo.

"Prito, come back here! Saan mo yan dadalhin?" sabi n'ya.

"Hehe! Margie, heto na ang ice cre--- , Margie!" sabi ko pero wala sa sala si Margie.

Hinahanap ko s'ya, nandun lang pala s'ya sa labas. Parang may kausap s'ya. Sumilip ako sandali at nakinig.

"Ray, nakuha ko na ang sagot!" sabi n'ya sa kausap n'ya sa phone.

"Anla. Sige na nga, 1 is less than 3 with u!" sabi ulit ni Margie.

"1 is less than 3 with u, wala naman akong sagot na ganun ah," sabi ko nang mahina.

Nakita ko na parang tapos na yung tawagan session n'ya. Kailangan ko nang pumuntang sala. Pandi dali dali ako sa sala at umupo sa sala. Tawa ako nang tawa.

"Para kang baliw dyan!" sabi ni Ate habang papunta na sa kanyang kwarto.

"Nakakatawa kasi ang pinapanood ko eh," sabi ko.

"Baliw ka nga! Eh ang pinapanood mo ay love story! Ako ba'y pinagloloko mo hah!" sabi ni Ate.

Oo nga, bakit nga ba ako natawa? Para hindi mahalatang nakinig ako sa isang usapan. Mas halata kapag ganun.

"Oh Babe! I need to go na. Pinapauwi na ako ni Mama eh!" sabi ni Margie.

"Ganun ba? Hatid na lang kita kung gusto mo!" alok ko.

"Huwag na! Ate Princess, uuwi na po ako!" sabi n'ya.

"Sige, mag-iingat sila sa'yo este mag-iingat ka!" sigaw ni Ate habang nasa loob ng kwarto n'ya.

"Sige, Babe. Bye na!" sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

Napangiti na lang ako. 

[Winter's POV]

Autumn LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon