Chapter 15 : "Ugat ng Digmaan" (Part 2)

128 3 1
                                    

      HABANG nakikipag laban si Mito at Igur kay Aslan ay hindi ko matiis na manood lang kaya ibinaba ko ang sanggol na buhat ko at itinabi sa kanyang ina. Inutusan ko ang panganay ni Mito na bantayan nito ang kapatid niya at sinabihan ko siyang huwag lalabas.

      Paglabas na paglabas ko palang ay kaagad na akong sumugod kay Aslan: nagpakawala ako ng isang suntok mula sa aking kanang kamay, pero nakailag si Aslan, subalit hindi niya namalayan na nasa likod na niya si Mito na kaagad na niyakap siya ng napakahigpit mula sa likod. Kaya nang si Igur naman ang umatake ay hindi na siya nakaiwas pa; isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Igur na dumeretso sa pisngi ni Aslan at nasundan pa iyon nang makakasunod na suntok mula kay Igur.

      Hindi man lang nakaganti si Aslan ng mga sandaling iyon sa walang tigil na pagpapaulan ng suntok ni Igur. Pero mabilis na naka-isip ng paraan si Aslan para makaiwas sa walang tigil na pag-atake sa kanya: tumalon siya paatras kasama si Mito na nasa likod niya, ngumiti lang si Aslan, at nang susugod na uli si Igur ay biglang sumigaw si Aslan nang napakalakas habang nakatingala, kasabay n'on ang napakalakas ding pwersang nagmumula sa kanyang katawan na tinutulak palayo ang lahat ng malapit sa kanya; maging ang matigas na baluti sa katawan ni Igur na gawa sa lupa ay nakalas at tinangay ng malakas na hangin kasama si Igur; si mito naman ay nakakapit parin sa likod ni Aslan, hindi siya bumitaw kahit hirap na hirap na siya sa lakas ng pwersang inilalabas ni Aslan.

      Gusto ko sanang tulungan si Mito pero hindi ako makalapit sa lakas ng pwersang nagmumula kay Aslan. Habang nagsisisigaw si Aslan ay nagulat kami nang bigla siyang tumigil sa ginagawa, dahil isang palaso ang mabilis na tumama sa kanyang kaliwang balikat na nanggaling sa likod ko. Pagtingin ko sa likod ay nakita ko ang pulutong ng mga mandirigmang Tikbalang na may dalang pana at sibat. Pagbalik ko uli ng tingin kay Aslan ay isa na namang palaso ang mabilis na lumipad at tumama iyon sa kanang tagiliran ni Aslan.  

      Ilang sigundong tinignan ni Aslan ang kanyang nga tama ng palaso bago muling nagwala na sa pangalawang pagkakataon ay hindi na kinaya ni Mito. Bumitaw na siya sa pagkakayakap kay Asla. Subalit bago siya bumagsak ay hinawakan siya sa buhok ni Aslan at buong pwersa siyang inihagis kay Igur. Sabay sugod naman sakin ni Aslan ng napakabilis ngunit isang mabigat na bagay ang mabilis na bumagsak mula sa taas at tumama iyon kay Aslan na nagdulot ng panandaliang kapal ng usok sa aking harapan.

      Nang mawala ang usok ay nakita kong nakatayo na sa harap ko ang naka talikod na si Damagon. Ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng aking atensiyon kundi ang pagkawala ni Aslan; inilibot namin ng tingin ang paligid pero hindi nmin siya nakita. Maya-maya pa'y biglang may sumigaw sa di-kalayuan kung saan may ilang mga mandirigmang Tikbalang.

      Paglingon namin ay may mga palaso na namang nagsiliparan at karamihan nang iyon ay tumama sa likod si Aslan: wala siyang reaksiyon sa mga palasong nakatarak sa kanyang katawan. At bigla na lamang itong sumigaw ng napakalakas at tumingala sa madilim na kalangitan, kasabay n'on ang malakas at masamang enerhiyang nanggagaling sa kanyang katawan. At sa isang iglap lang ay bigla itong sumugod nang napakabilis at tinungo ang mga mandirigmang Tikbalang na nakapaligid sa kanya.

      Sinubukan namin siyang habulin ni Igur at Damagon pero hindi namin siya maabutan sa sobra niyang bilis. At sa maikling oras lang ay napatay niya ang mahigit sa tatlumpong mandirigmang Tikbalang na nasa paligid. Punumpuno na ng dugo ang kanyang buong katawan habang nakatayo sa gitna ng napakaraming patay na Tikbalang, nakatingin pa ito saming tatlo habang nakangiti na tila ba'y nang-aasar.

      Walang gustong sumugod saming tatlo, pare-pareho kaming nagpapakiramdaman kung sino ang unang susugod kay Aslan. Hanggang sa mabilis na kilumilos si Aslan patungo samin, ngunit bigla siyang natigilan ng may mabilis na palasong tumama sa kanyang kanang hita na nagmula sa aming likuran.

PantasTIKBALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon