PASADO alas-singko na nang hapon ng makabalik si Yvarro, Magon at Dumagat sa bahay na tinutuluyan nila. Naghihintay narin duon ang iba pa nilang kasama para salubungin sila.
Ngunit ilang minuto na ang lumipas ng dumating sila Yvarro ay walang kung sino ang nakasunod sa kanila.
"Kaya ko 'to, malapit na, kaya ko 'to, mala-pit na...." paulit-ulit na sambit ni Cocoi habang naglalakad at may buhat-buhat. Hirap na hirap na siya sa kanyang binubuhat pero hindi niya ito ibinaba.
Paulit-ulit lamang niya sinasabi ang mga katagang nagpapatibay sa kanya, dahil alam niyang malapit na siya sa bahay nila Dumagat.
"Mukhang hindi na ata aabot si Cocoi, Tino." wika ni Igur sa katabi.
"Aabot 'yan, may tiwala ako kay Cocoi. Kaya niyang tapusin ang sinimulan niya sa tamang oras." sambit naman ni Tino.
Malapit nang lamunin ng dilim ang kagubatan at lahat ng kasama ni Cocoi sa bahay ay nag-aabang na kung aabot ba siya sa oras na napagkasunduan.
"Hindi na siya aabot." ani ni Alex. "ilang minuto nalang ang natitira sa kanya." dagdag pa nito.
"Hindi ka nakakasiguro, Alex." sambit ni Tino. "Nakikita ko sa kanya si Mito. Ang Ama niya ay tinatapos ang sinimulan kaya alam kong gano'n din siya."
Ilang minuto pa ay isa-isa ng nagsipasukan sa bahay ang mga naghihintay kay Cocoi at ang tanging naiwan na lamang na naghihintay ay sina Tino, Igur, Tarugas at ang Nanay ni Dumagat.
"Mukhang bigo siya sa ikalawang pagsasanay." wika ng ina ni Dumagat. "Dalawang minuto nalang ang natitira sa kanya."
"Baka naligaw na si Cocoi, Tino." sambit naman ni Tarugas. "Kailangan na yata natin siyang ipahanap kay Alex."
"Huwag muna may dalawang minuto pa." hirit naman ni Tino na nakatingin lamang sa iisang direksiyon -- sa kanyang harap. "Maghintay pa tayo.
Ilang sandali pa'y may naaninag si Tarugas sa di-kalayuan. "Sandali mukhang hindi siya naligaw."
"Sabi ko naman sa inyo e, hindi susuko 'yang anak ni Mito."
Sa bahagi ng papadilim na kagubatan ay natatanaw na nila si Cocoi na hirap na hirap sa paglalakad.
"Malapit na, natatanaw ko na ang bahay." sambit ni Cocoi. "Huwag kang bibigay."
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng bahay nila Dumagat kung saan binitawan na niya ang buhat-buhat at padapang bumagsak ang kanyang katawan sa sobrang pagod.
Nakangiti naman si Tino at Tarugas ng matapos ni Cocoi ang ikalawang pagsasanay, ngunit nawala agad ang ngiting iyon ng magsalita si Igur.
"Hindi siya nakarating sa tamang oras."
"Anong ibig mong sabihin Igur." tanong ng Ina ni Dumagat.
"Hindi siya naka-abot sa tamang oras, kaya hindi siya nakapasa." sambit ni Igur. "Ang batas ko ay batas ko at walang pwedeng lumabag sa batas ko."
Lumapit naman si Tarugas at Tino sa nakadapang si Cocoi para tulungan itong tumayo at maipasok sa bahay.
"Iba ka talaga, Igur. Wala talagang nakakalusot sa 'yo." wika ni Tino habang akay-akay si Cocoi sa paglalakad.
*****
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.