Chapter 18 : "Binhi"

156 4 4
                                    

       NANG habulin sila Shon ng grupo ni Warren, ang akala nila ay hindi na sila nasundan ng mga ito kaya sumuko nalang sa paghabol ang mga ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na habang hinahabol sila nila Warren ay may humarang na kulay grey na VAN sa kanilang dadaanan kaya napahinto ang mga ito sa paghabol kila Shon: mula sa VAN ay mabilis na lumabas ang limang lalaking nakasuot ng bonnet at lumapit ito sa kanila. Nagulat sila Warren at tinangka nilang lumaban pero sadyang malakas ang mga naka bonnet, kaya hindi nila ito kinaya.

      May pinaamoy ang mga ito sa mga kasama ni Warren kaya nawalan ang mga ito ng malay; si Warren naman ay nakahanap ng tsempo at nabitawan siya ng nakahawak sa kanya, kaya agad niya iyong sinamantala para makatakas. Tumakbo siya hanggang sa kaya niya at hindi na siya lumingon sa likod. Ngunit sadyang mabilis ang mga naka suot ng bonnet kaya naabutan agad siya nang isa sa mga ito.

      Mula sa likod niya ay niyakap siya ng isang lalaking may kalakihan ang katawan at ang kanang kamay nito namay hawak na panyo ay itinakip sa ilong at bibig ni Warren, dahilan ng pagkawala ng malay ng binata, at kaagad na silang ipinasok sa Van.

      May mga nakakita man sa pagdukot sa lima ay wala ring nagawa ang mga ito kundi panoorin lang ang nangyari; mabilis na umandar ang VAN palayo sa lugar at walang sino man ang nakasunod dito.


*****


      NANG magising sila Warren ay nasa gitna na sila nang isang kwartong walang kalaman-laman, nakagapos silang lima sa kani-kanilang kinauupuan; ang kanilang mga kamay ay nakalagay sa likod ng kanilang kinauupuan at may taling nakagapos, ang kanilang mga paa ay nakatali rin sa paa ng upuan.

      Pinilit ni Warren na makawala sa pagkakatali ngunit nabigo siya dahil napakahigpit ng pagkakagapos sa kanya.

      "HOY MAY TAO BA DITO!! PAKAWALAN NIYO KAMI!!" sigaw ni Warren, ngunit katahimikan lamang ang sumagot sa kanya.

      Nagising narin ang apat pa niyang kasama na nakagapos din sa kani-kanilang kinauupuan. 

      "A-anong ginagawa natin dito?" gulat na tanong ni Ramil na pinipilit ding makawala sa pagkakagapos.

       Nagsisisigaw sila para makahingi ng tulong ngunit para bang walang nakakarinig sa kanila. Habang nagsisisigaw sila ay may bigla namang pumasok sa kwartong kinaroroonan nila, dalawang lalaki at nakangiti ito ng makita sila.

      "Gising na pala kayo." nakangiting sambit ng isang lalaki. "Paalala ko lang, kahit anong sigaw ang gawin niyo ay walang tutulong sa inyo, dahil hindi naman tao ang mga nandito."

      "Sige tatawagin ko na si boss." bulong naman ng isa pang lalaki na agad na lumabas ng kwarto.

      "Teka ano bang kailangan niyo sa 'min?!" sigaw ni Warren sa lalaki.

      "TULOOOOONG!!" muling nagsisisigaw sila Ramil para makahingi ng tulong, ngunit tinawanan lang sila ng lalaking nakatayo sa pintuan.

      "Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" pasigaw na tanong ni Warren sa lalaki.

      Sasagot sana ang lalaki nang biglang may nagsalita mula sa likod niya. "Ako ng bahala sa mga 'yan." ani nito. Napatingin ang lalaki at pinapasok sa kwarto ang nagsalitang si Ryan.

      Pagpasok ni Ryan ay kasunod niyang pumasok ang lima pang lalaki kasama ang nakatayo sa pintuan.

      "Mabuti at gising na kayo." bati ni Ryan sa mga nakagapos.

      "Sino ba talaga kayo? Ano bang kailangan niyo sa 'min?" ani naman ng lalaking nilapitan ni Ryan.

      "Simple lang, ituro niyo lang kung nasaan si Cocoi." sagot ni Ryan.

PantasTIKBALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon