NAKARATING na kay Levano ang balitang nagdala ng tao si Ryan sa village ng mga Aswang, kaya pinatawag niya ito sa kanang kamay niyang si Bolong na may katamtamang pangangatawan, kayumanggi ang kulay ng balat at may maamong mukha ngunit berdugo ni Levano.
Agad na nagtungo si Bolong sa bahay ni Ryan para sunduin ito sakay ng kulay itim na kotseng siya mismo ang nagmamaneho.
Bumusina si Ram ng mahaba nangmakarating siya sa tapat ng tinitirhan ni Ryan, sa village na puro katulad lang nila ang nakatira. Napatingin ang lahat ng nanduon sa kotse, ang iba'y sumilip pa sa bintana para lang makita ang kotse at ang iba ay lumabas pa ng bahay para lang makita ang kotse na parabang isang mahalagang tao ang sakay nuon.
"Boss, nasa tapat ng bahay natin ang sasakyan ni Bolong." Nag-aalalang sabi ng isang lalaking nakadungaw sa bintana mula ikalawang palapag ng bahay ni Ryan
"Bakit anong kailangan niya?" tanong ni Ryan na agad na bumaba para puntahan ang kotse sa tapat ng bahay nila.
Lumabas na nang kotse si Bolong para puntahan si ryan, nakatingin ang lahat ng mata kay Bolong na animoy isang mahalagang tao para sakanila. Maglalakad palang sana si bolong papunta sa bahay na nasaharapan niya, nang lumabas na si Ryan para salubungin siya.
"Oh Bolong, A-anong kailangan mo B-bakit ka naparito." nauutal na tanong ni Ryan ng makalapit siya kay Bolong.
"Pinapatawag ka ni pinuno." sambit ni Bolong na agad na tumalikod. "sumakay ka sa kotse." maikli ngunit naghatid ng matinding kaba kay Ryan ang salitang binitawan ni Bolong.
Mastumindi ang takot ni Ryan ng nasa loob na siya ng sasakyang minamaneho ni bolong. "A-anong kailangan ni pinuno sakin?" natatakot na tanong ni Ryan.
"Sabihin nalang nating gusto kalang niyang makausap." sagot ni Bolong.
Hindi mawala-wala ang takot sa buong katawan ni Ryan habang nasa loob siya ng sasakyan na patungo sa bahay ni Leveno at mas lalo siyang nag-aalala dahil si Bolong ang sumundo sakanya na alam ng lahat na si Bolong ay ang berdugo ni Leveno at hindi ito umaalis sa tabi ng kanilang pinuno kung hindi mahalaga.
Samantala hinahanap na nila Warren si shon habang nakasakay sila sa van na pinahiram ni Ryan sa kanila, pero ang nagmamaneho at ang katabi nito ay isa sa mga nagtatrabaho kay ryan.
inililibot ng limang binatilyo ang kanilang tingin sa labas ng Van, habang nasaloob sila at nakatanaw lamang sa saradong bintana nito, nagbabaka sakali sila na makikita nila si Shon.
"Saan ba nakatira yung Shon na 'yun. duon nalang natin siya abangan sa tapat ng bahay nila, para mabilis nating makita." wika ng lalaking katabi ng driver.
"Oo nga. para mas mabilis, alalahanin niyo isang linggo lang ang palugit niyo." sagot naman ng driver.
Sumang-ayon ang mga binatilyo at itinuro nila ang daan patungo sa bahay nila Shon.
"Sino ba ang malalapit na tao sa Cocoi na 'yun, maliban sa shon na sinasabi niyo?" tanong ng driver.
"Alam ko lang na laging kasama ni Cocoi ay si Shon at Rey." mabilis na sagot ni Boy.
"Sino pang kilala niyong malapit kay Cocoi?" tanong ng katabi ng driver. "lahat sila kukunin natin at gagawing pain para lumabas si Cocoi sa kanyang lungga." dagdag pa nito.
"Meron akong kilala na sigurado akong magpapakita si Cocoi kapag siya ang pinain natin." seryosong sabi ni Warren na pailalim ang tingin. "S-si Myra."
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.