NAKABALIK na sa isla si Cocoi at ang bag at jacket na kinuha nila ay ibinalik rin nila bago sila umuwi.
"Hindi parin ako mapanatag sa paghahanap natin." ani ni Cocoi habang naglalakad.
"Huwag ka ng mag-alala sila Kamayon na ang bahala sa mga kaibigan mo." ani ni Ton-ton na naka-upo sa balikat ni Cocoi. "Nasaan na ang ipinangako mong chocolate?"
"Pasensiya na, Ton. Wala akong nakuhang chocolate, e." wika ni Cocoi sabay dukot sa bulsa ng kanyang suot na pantalong ipinahiram ni dumagat sa kanya. "Pero meron ako ditong dala na magugustuhan mo." Inilabas ni Cocoi ang isang hiwa ng biko na nakabalot sa plastic na pasimple niyang kinuha bago sila bumalik, at iniabot niya ito kay Ton-ton.
"Ano ito?" tanong ni Ton-ton na kinuha ng dalawang kamay ang iniabot ni Cocoi sa kanya.
"Biko ang tawag diyan, pagkain yan ng mga Pilipino. Tiyak na magugustuhan mo 'yan."
"Ahm.... Mukha ngang masarap, sige maiwan na kita. Salamat." biglang nawala si Ton-ton sa balikat ni Cocoi matapos itong magpasalamat.
Nagpatuloy sa paglalakad si Cocoi subalit nang hawiin niya ang halaman na haharang sa dadaanan niya ay nagulat siya at napahinto, dahil bumungad sa kanya ang mukha ng Tiyuhing nakatingin sa kanya.
"Tito? A-anong ginagawa mo d'yan?" nauutal niyang tanong.
"Saan ka galing?" tanong naman ni Dan sa kanya.
"D-d'yaan lang naglakad-lakad."
"Alam ko kung saan ka galing, nakita kita kaninang umaga at isinama mo pa si Ton-ton. Pero huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kanila." ani ni Dan. "Bumalik kana sa bahay para makakain, meron karing mga damit duon dala nila Kamayon, hindi kana manghihiram kay Dumagat."
*****
"Pinuno, nakahanda na sila." ani ni Bolong sa naka-upong si Levano na nasa sofa ng kanyang bahay. "Kailangan na kayong pumunta kung nasaan ang mga Sigbin, pinuno. Para makita niyo ang mga Sigbin."
"Sige pupunta na ako, ihanda mo narin ang mga pulang binhing ipapakain natin sa mga Sigbin." ani ni Levano na tumayo mula sa pagkakaupo. "Magpapalit lang ako ng damit."
Matapos ang mahabang byahe ay nakarating narin sila sa isang liblib na lugar sa Luzon, ngunit nagpatuloy sila sa pagbiyahe. Mga damo at puno na lamang ang makikita sa paligid ng kanilang dinadaanan, pakonti narin ng pakonti ang mga bahay na kanilang nadadaanan na senyales na malapit na sila sa kanilang pupuntahan.
Tumigil ang kanilang sinasakyan sa tapat ng malaking pinto at may matataas na bakod, magkasunod na bumusina si Bolong ng mahaba. At nang may similip ng guwardiya mula sa itaas ng bakod ay sinenyasan nito ang mga kasama na buksan ang pinto.
Dalawa ang nagbukas sa malaking pinto na agad namang isinara ng makapasok na ang sasakyan ng kanilang pinuno. Nagpatuloy sa pagbyahe ang sasakyan at napahinto ito sa tapat ng isang malaking bahay kung saan naghihintay si Danilo.
"Pinuno naghihintay napo ang mga Sigbin sa loob." ani ni Danilo ng makababa sa sasakyan si Bolong at Levano.
"Hayaan mo silang maghintay." pabalang na sambit ni Levano na nag-ayos pa ng kanyang suot habang naglalakad papasok sa malaking bahay.
Pagpasok nila'y tila ordinaryong bahay lamang ang kanilang pinasukan, ngunit nang may tanggaling mabibigat na sako si Danilo sa isang tabi ay may lumitaw na pinto sa sahig.
"Pinuno mauuna na ako." sambit ni Danilo nang buksan niya ang pinto.
Sa pangunguna ni Danilo ay bumaba sila sa hagban na karugtong ng pinto. Isang napakalawak na daanan ang makikita sa pagbaba nila mula sa hagdan, naglakad sila ng ilang sigundo at napatigil ng may pintong nakaharang sa kanilang daraanan. Gamit ang susi na kinuha ni Danilo mula sa kanyang bulsa ay binuksan niya ang pinto.
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.