ILANG araw na ang nakalipas matapos ang gabing pinagtangkaan ang buhay ni Dan. Pero si Ryan ay hinahanap parin ang binatilyong sinasabi niyang may dugo ng isang demonyong kabayo, at sa pagkakataong 'yon ay hindi na siya mag-isa dahil may roon na siyang mga kasama na hinihikayat niya sa utos ng kanilang pinunong si Levano.
"Ilang araw na tayong naghahanap ni anino ng sinasabi mo Ryan, hindi natin makita." reklamo ng isa niyang kasamang may kahabaan ang buhok.
"Nagrereklamo kaba. Huwag kang mag-alala pagnahuli natin ang taong 'yon, lahat ng hihilingin natin kay pinuno ay ibibigay niya satin." ani naman ni Ryan.
"Sigurado kaba na nasa katawan nga ng taong iyon ang demonyong kabayo?" tanong naman ng isa na may kataasan.
"Oo, siguradong-sigurado ako dahil kitang-kita ko mismo kung paano niya tapusin ang mga kasama kong sumugod sa bahay si Dan." wika naman ni Ryan.
Binalikan ng grupo ni Ryan ang lugar kung saan nakatayo ang dating bahay nila Dan na ngayon ay isa nang bakanteng lote. Inutusan niya ang mga kasama na magtanong sa mga nakatira sa lugar na iyon, kung sino ang binatilyong kasama ni Dan sa bahay.
Nilapitan naman ni Ryan ang isang tindahan malapit sa bahay nila Dan. "Ah, 'Nay. Pwedeng magtanong?" aniya sa matandang babae na nagwawalis sa tapat ng tindahan.
"Ano 'yon?" tanong naman ng matandang babae na tumigil muna sa pagwawalis.
"Ahh... 'Nay, ano pong pangalan nung binatilyong kasama ni pareng Dan sa dating tinatayuan ng bahay nila duon?" tanong ni Ryan sabay turo sa bakanteng lote.
"Si Cocoi ba ang tinutukoy mo? Siya lang kasi ang binatilyong nakatira duon dati." tugon ng matanda. "Kaya lang bigla silang nawala. Wala nga ring makasagot kung paano nasira ng husto ang bahay nila na parang dinaanan ng buhawi."
"'Nay, alam niyo ba kung saan sila nakatira ngayon?"
"Pasensiya na, gaya nga ng sabi ko bigla silang nawala, kaya hindi ko rin alam kung saan sila nakatira ngayon. Kahit nga mga pulis hinahanap sila para masagot kung ano ba talaga ang nangyari sa bahay nila." wika ng matanda.
Habang nakikipag-usap si Ryan sa matanda ay napadaan naman si Warren kasama ang apat na kaibigan sa tapat ng bakanteng lote na dating kinatatayuan ng bahay nila Cocoi.
"Teka, bakit hindi mo tanungin ang mga lalaking 'yon." sabay turo ng matanda sa naglalakad na si Warren. "Sa pagkakaalam ko kasi, kilala nila si Cocoi."
"Ahh, ganun po ba sige po salamat." tinawag ni Ryan ang mga kasama niya at lumapit sila sa naglalakad na sila Warren. "Excuse me, pwedeng magtanong. Kilala niyo ba si Cocoi 'yung kasamang binata ni Dan sa dating bahay duon?" tanong ni Ryan kay Warren sabay turo sa bakanteng lote.
"Oo, kilala namin 'yon, bakit?" ani ni Warren.
"Alam niyo ba kung saan sila nakatira ngayon?" tanong ulit ni Ryan.
"Ahh, hindi e." tugon ni Warren na kaagad na nagpaalam sa grupo nila Ryan, at naglakad na agad ang mga ito palayo.
"Makinig kayo sakin, humanap kayo ng chempo at dalhin niyo sakin ang limang 'yan, dahil sa tingin ko sila ang makakapagturo sa 'tin kung na saan ang hinahanap natin." bulong ni Ryan sa mga kasama habang nakatingin sila sa grupo ni Warren na naglalakad palayo.
*****
SAMANTALA habang naglalakad si Shon papuntang palengke ay napansin niyang may sumusunod sa kanya, binilisan niya ang lakad at sa kada kantong lilikuan niya ay tinitignan niya ang nakasunod sa likod niya; hindi niya malaman kung sino iyon o kung anong itsura nang naka sunod sa kanya, dahil naka suot ito ng itim na jacket na may hood at bahagyang naka yuko kung maglakad, kaya natatakpan ang malaking bahagi ng mukha nito.
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.