"Humanda kayo, ayan na ang hinihintay na natin." ani ni Tino sa mga kasama.
Nagsimula ng maging pula ang itim sa mga mata ni Cocoi, at ang puti naman sa kanyang mga mata ay napalitan ng itim. Nagsusumigaw sa sakit ng ulo si Cocoi at matinding kabog ng kanyang dibdib at nagsisimula naring mag-init ang buo niyang katawan.
"Magalit ka, pakawalan mo ang galit sa buong katawan mo, ipakita mong hindi ka mahina." utos ng malaking boses sa kanyang utak.
"Sige, ganyan nga ipakita mo ang tunay mong lakas sa 'kin!" bulyaw ni Alex kay Cocoi.
Maya-maya pa'y huminto na si Cocoi sa pagsigaw na para bang kalmado na ang buo niyang katawan na tinubuan ng maliliit na balahibong kulay itim na may pagkapula. Dahan-dahan niyang itinaas ang nakayukong ulo at tinignan ng matalim si Alex.
"Alex, maghanda ka, susugod na siya!" sigaw ni Dumagat.
Napatingin si Alex sa kapatid ngunit pagbalik niya ng tingin sa harap ay nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang halos isang diba nalang ang layo nila ni Cocoi, na mabilis na kumilos palapit sa kanya.
Isang malakas na kanang suntok ang pinakawalan ni Cocoi, subalit hangin lamang ang kanyang natamaan. Inilibot niya ang kanyang tingin dahil biglang nawala si Alex sa paligid.
Nang maibaling niya ang kanyang tingin kay Balong ay mabilis siyang tumakbo patungo rito, sinugod niya ito nang hindi man lang nag-isip; subalit bago paman siya makalapit kay Balong ay may yumakap sa kanya na galing sa likod at iyon ay si Tino.
"Igur, ngayon na!" sigaw ni Tino na mahigpit ang pagkakayakap kay Cocoi.
Agad na naghanda si Igur na sakay ng kumpol ng lupang kanyang pinapalutang. Mula sa kinatatayuan ni Cocoi ay lumambot ang lupa kaya lumubog ang kanyang mga paa at muling itong tumigas. Subalit hindi iyun inalala ni Cocoi, buong pwersa siyang nagpumiglas sa pagkakayakap sa kanya ni Tino.
"Hindi niyo ako kaya!" bulalas niya ng napakalalim ang boses.
Hindi nagtagal nakawala na siya sa higpit ng pagkakayap sa kanya ni Tino. Hinawakan niya ang mga braso ni Tino na pinipilit paring maigapos siya sa mga bisig nito.
"Cocoi, labanan mo ang demonyo sa katawan mo, huwag kang magpapadala sa mga sinasabi niya sayo!" sigaw ni Tino malapit sa tenga ni Cocoi.
"Hidi niyo ako kaya!" sigaw ni Cocoi na iniuntog ang ulo sa mukha ni Tino sabay siko ng sunod-sunod sa tagiliran nito habang nasa likod niya ito, dahilan nang pagbitaw sa kanya ni Tino at lumayo ito sa kanya.
Pinuwersa naman ni Cocoi ang mga paa, para maialis ito sa pagkakabaon sa lupa. Nang maialis na niya ang mga paa ay bigla siyang natigilan at napahawak sa ulo, pero ng mapatingin siya kay Tarugas ay agad niya itong sinugod na para bang isang mabangis na hayop na wala sa katinuan.
Bago paman siya makalapit kay Tarugas na simpleng nakatayo lang sa isang tabi ay biglang sumulpot si Alex mula sa likod nito at mabilis na sinugod si Cocoi. Isang matalim na suntok ang pinakawalan ni Cocoi, kaagad namang nakayuko si Alex at siya naman ang nagpakawala ng isang suntok na dumeretso sa tiyan ni Cocoi.
Tumalsik si Cocoi at nagpagulong gulong sa lupa, ngunit agad naman siyang nakatayo na para bang walang nangyari, at muli siyang sumugod patungo kay Alex. Subalit may pumigil sa kanya na dalawang lupang malaahas na mabilis na pumulupot sa magkabilaan niyang paa. Napatingin siya sa mga lupang pumupulupot sa kanyang mga paa na gumagapang na rin paikot sa buo niyang katawan.
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.