Chapter 6 : "SHON"

206 6 0
                                    

       NAGISING si Cocoi na nahiga na siya sa isang higaan sa loob ng maliwanag na kuwarto. Malayong-malayo sa napakadilim at napakatahimik na kinalalagyan niya bago siya nagising.

      "Ok kanaba Coi?" nag-aalalang tanong ni Myra na katabi ni Shon, na kapwang nakatayo sa tabi ng hinihigaan ni Cocoi.

      "Paano ako napunta dito? Nasaan na 'yung maitim na halimaw?" nagtatakang tanong ni Cocoi na hingal na hingal at pawis na pawis.

      "Anong halimaw?" ibinalik ni Shon ang tanong sa kaibigan. "Nasa Hospital ka kaya, at dalawang araw kanang tunog." dagdag pa nito.

      "Ano bang nangyari sa inyo, bakit kayo binugbog?" pagtatanong ni Myra na suot pa ang uniporme ng universidad na pinapasukan nila. At ganun din si Shon.

      "Bakit hindi mo itanong kay warren." mariing sambit ni Cocoi na sinubukang bumangon subalit nanakit ang kanyang buong katawan.

      "Oh, 'wag ka na munang bumangon, matindi daw ang tama mo... Sabi nga ng doktor milagro daw na kinaya mo ang nangyari sayo." nag-aalalang sabi ni Myra.

      "Ahh, Coi. Sinugod din pala dito ang lima sa barkada ni Warren kasama si Ramil." ani ni Shon. "Pero nakalabas na sila kahapon."

      "Teka sino bang nagdala sakin dito? Ano bang nangyari? Bakit wala akong matandaan?" sunod-sunod na tanong ni Cocoi dahil naguguluhan parin siya sa nangyayari.

      "Magpahinga ka nalang muna Coi, tsaka ko nalang iki-kwento sayo lahat." wika ni Shon.

       Ilang minuto lang na nag-usap ang tatlo. At umalis na kaagad sila Shon at Myra dahil papasok pa sila.

      Nang umalis si Shon at Myra ay nakatitig na lamang si Cocoi sa kisame habang nakahiga. At inaalala ang kanyang masamang panaginip. 

      Kinabukasan ay nakauwi na si Cocoi sa bahay nila at duon sinamahan siya ng kaibigan niyang si Shon.

      "Ah... Coi. Bigay ko daw sayo 'to, pinabibigay nung matandang naghatid satin sa Hospital." inilabas ni Shon ang perang papel mula sa kanyang bulsa na nagkakahalaga nang limang libong piso.

      "Coi, lolo mo ba 'yun. Bakit ang bait naman n'on sayo?" umupo si shon sa sofa matapos niyang maiabot kay Cocoi ang pera.

      "Ewan ko, hindi ko pa nga nakikita ang matandang tinutukoy mo. Kung siya nga ang lolo ko bakit hindi na siya nagpakita nung nagising ako." wika ni Cocoi. "Ano bang itsura ng matandang 'yun? Para alam ko ang itsura ng tanong nagbigay sakin nito." tinitigan niya ang hawak na perang papel habang nakaupo sa sofa.

      "Siguro mga nasa 60 plus na 'yun. Mahaba ang buhok at balbas na medyo kulay puti na." pagsasaad ni Shon sa itsura ng matanda, habang nakatingin siya sa kisame. "Pero hindi naman mukhang mayaman 'yun." dagdag pa niya.

      "Paano mo naman na sabi? E, nagbigay nga ng pera oh." itinaas ni Cocoi ang hawak na pera at ipinakita kay Shon.

      "Kase lahat ng suot niya lumang-luma na. Magsimula sa sumbrelo, jacket, pantalon. At maging ang tsinelas niya ay lumang-luma."

      "E, saan pala galing yung pera niya." tanong ni Cocoi. "Hindi kaya magnanakaw ang matandang 'yun?"

      "Hindi naman siguro. Mukha namang mabait yung matanda, e." ani ni Shon. "Coi, kung lolo mo nga 'yun anong una mong itatanong sa kanya pag nakita mo siya?"

      "Marami, gaya nalang nang bakit niya ako iniwan kay Tito Dan at sinabi niyang babalik siya pagkalipas ng dalawampong taon. Bakit saan ba siya nagpunta?" sunod-sunod na sabi ni Cocoi habang nakatitig sa perang ipinatong niya sa lamesa.

PantasTIKBALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon