NAKARATING sa isang liblib na isla sina Arselo, Balong at Kamayon, na nasa anyong Tikbalang; nakapasan naman si Cocoi sa likod ng nasa gitnang si Kamayon nang makarating sila sa isla.
"A-anong ginagawa natin dito?" tanong ni Cocoi na dahan-dahang bumaba mula sa likod ni Kamayon.
Pinagmasdan ni Cocoi ang paligid na puro puno't halaman lang ang makikita, ipinikit niya ang kanyang mga mata at dinama ang hangin na dumadampi sa kanyang balat, at sariwang hanging kanyang nalalanghap. Ilang sandali lang ay bigla siyang nakaramdam ng malakas na hangin sa kanyang harapan dahilan para mapadilat siya.
Nagulat siya ng makita niyang na sa harapan na niya si Tino at ilang dangkal lamang ang pagitan ng kanilang kinatatayuan, dahilan kung bakit siya natumba.
"Ano ba 'yan, Coi. Masyado kang magugulatin, umiwas ka nga sa kape." ani ni Tino na nakatingin sa napaupong si Cocoi.
"Eh, paano bigla kang sumusulpot d'yan." pabulong na sabi ni Cocoi na nag-umpisa ng tumayo.
"Naririnig ko 'yang binubulong mo diyan." ani ni Tino.
"Teka ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Cocoi nang makatayo na siya at tinignan ang mga nasa likod ni Tino na sina Dumagat, Yvarro at Magon.
"Ito ang lugar na napili ko dahil hindi pa ito naaabot ng mga taong mapanira at kakaunti lang ang tao dito, kaya makakagalaw tayo dito ng maayos dahil kahit makita nila tayo ay hindi nila tayo makukuhanan ng litrato dahil hindi uso dito ang mga ganung kagamitan." sagot ni Tino.
"At isa pa, dito namin napili dahil dito nakatira ang pamilya ko." wika ni Dumagat matapos magsalita ni Tino. "Sumunod kayo sa 'kin." dagdag pa niya sabay talikod at naglakad papasok sa kagubatan.
Lahat sila ay sumunod sa naglalakad na si Dumagat at wala ng nagsalita. Ngunit si Cocoi ay hindi parin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari; ilang minuto nilang sinundan si Dumagat sa paglalakad at napahinto sila sa tapat ng isang bahay na may dalawang palapag.
"Kaninong bahay yan?" sambit ni Cocoi na nakatingin sa nasa harapang bahay na may dalawang palapag na gawa sa bato at kahoy, ngunit hindi malinaw kung ano ang tunay na kulay nito dahil sa mga halaman at ugat ng puno na nakapaligid sa labas ng bahay na animoy parte ng mga puno sa gubat kung titignan sa labas.
"Iyan ang bahay ng pamilya ko." tugon ni Dumagat.
Mula sa bahay ay may lumabas namang isang lalaki sa pintuan nito. "Oh, nandiyan na pala kayo." bati ng lalaking lumabas ng bahay na nakasuot ng kasuotsn ng isang ordinaryong tao, meron itong bigote at maliliit na balbas.
"'To sila 'yung mga sinasabi ko sayo." wika ni Dumagat na nakaturo ang kamay sa mga nasa likod niya.
"Ami, nandito na sila!" sigaw ng lalaking bigotilyo.
Mula sa mataas na punong katabi ng bahay nila Dumagat ay may tumalon mula sa itaas n'on at bumagsak iyon sa harapan nila Dumagat ng nakalapat ang mga paa sa lupa na halos mapaupo na. Nanlaki ang mga mata ni Cocoi ng makitang isang babae ang tumalon mula sa puno; itim ang kulay ng mahabang buhok ng babae at may morenang kulay ng balat na ang kasuotan ay tulad din ng sa tao.
"Anong ginagawa mo Alex?" tanong ng lalaking nasa harapan ng pinto.
"Narinig ko kasing darating daw ang taong may dalawang katauhan sa iisang katawan." sagot ng babaeng nangangalang Alex, nang makatayo ito.
"Ako ba 'yung tinutukoy niya?" bulong ni Cocoi sa nasa harapang si Tino.
Dahan-dahang naglakad si Alex palapit kay Cocoi. "Ikaw naba 'yon?" wika nito sabay haplos sa pisngi ng binatilyo. "Parang wala namang iba sayo, kung titignan isa kalang namang ordinaryong tao." tinignan maigi ni Alex ang mukha ni Cocoi at ang hubog ng katawan nito mula ulo hanggang paa, habang hinihimas-himas ang pisngi ni Cocoi.
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.