BAGO umalis sa pwesto ang dalawang matanda ay pinalutang muna ni Igur ang maliit na parte ng lupang kanyang kina-uupuan, gamit ang baston na kanyang hawak-hawak at ang naiwang malaking parte ay bigla na lamang gumuho. Hindi na nagulat si Tino sa ginawa ni Igur dahil alam niya ang kakaibang kakayahan nito.
Habang nakasakay si Igur sa lupang kanyang pinalutang ay nakasunod naman si Tino sa kanyang likod.
Huminto lang si Tino sa pagsunod ng tumigil si Igur sa tapat ng matandang puno. Sa paanan ng puno ay may maliit na butas na ang sukat ay isa't kalahating dangkal. Nang itaas ni Igur ang kanyang baston ay bigla na lamang may umusbong na lupa sa tapat nila na mas mataas pa sa tao. At sa gitna ng lupa ay lumitaw ang isang itim na lagusan.
"Sumunod ka sakin, Tino. Patungo sa aking tirahan." wika ni Igur bago tuluyang pumasok sa itim na lagusan.
"Wala ka paring kupas, Igur. Parang hindi ka tumanda." ani naman ni Tino na agad na sumunod kay Igur sa itim na lagusan.
Nang makapasok na ang dalawa ay biglang nawala ang itim na lagusan, at hinigop pa-ilalim ang lupang kanina'y naka-usbong.
*****
SA loob ng bahay ni Igur ay magkasing-laki na sila ni Tino, hindi narin siya nakaupo sa lupang kanina'y kaniyang pinalutang. Halos lahat ng makikita sa bahay ni Igur ay gawa lupa: Dingding, kisame, hagdan, lamesa, upuan at maging ang kanilang tinatapakan ay gawa sa lupa, ngunit kasing tigas ng bato ang lahat ng makikita kaya hindi madaling masira.
"Teka, Igur. Hindi ka parin pala nagbabago, hindi ka parin naglalagay ng pinto. Hinahayaan mo lang na bukas ang mga daanan." wika ni Tino ng mapansin niyang wala paring pinto sa bahay ng kaibigan.
"Oo, ayoko kasi ng mga hadlang sa dinaraanan ko." tugon ni Igur. "Tsaka wala namang ibang nakakapasok dito bukod samin ni Ton-ton at sa inyong dalawa ni Damagon. Pero kung may ibang makakapasok dito sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas dito ng walang nangyayari sa kanya." dagdag pa nito.
Naglakad na ang dalawa at umupo sa upuan sa magkabilang gilid ng lamesa. Pagkaupo na pagkaupo palang ni Igur ay may pinalutang kaagad siyang lupa na dumeretso sa isang kwarto. At pagkabalik ng lupang kanyang pinalutang ay may nakapatong na ditong dalawang bote ng alak at isang malaking pinggan na may lamang iba't-ibang klase ng prutas na hinati sa maliliit.
"Teka, nabalitaan mo naba ang pagpatay ng mga Aswang kay Damagon?" tanong ni Igur na seryoso ang mukha.
"Oo, narinig ko na 'yon sa dalawang Tikbalang na nag-uusap malapit sa kulungan ko dati." tugon naman ni Tino. "Bakit nila pinatay si Damagon? Anong dahilan nila?" dagdag pa nito.
"Walang malinaw na paliwanag ang mga Aswang tungkol d'on dahil hindi pa nila alam kung anong grupo ang sumalakay kay Damagon." tugon naman ni Igur. "Pero ayon sa mga sabi-sabi isang grupo daw ng mga Aswang na nangangalang Bagong SIbol ang sumugod kay Damagon, ngunit wala pang nakakasagot kung bakit nila pinatay si Damagon."
Napalagok ng alak na nasa baso si Tino bago siya magsalita. "Ibig sabihin yung apat na nakalaban ko kanina ay ang mga-" natigilan si Tino sa kanyang sasabihin ng biglang sumingit si Igur.
"Oo, tama ka, sila ang mga miyembro ng grupong binuo ni Dumagat na anak ni Damagon para hanapin ang grupong Bagong Sibol at ipaghiganti ang kanyang ama.
"Sa palagay mo anong mangyayari sa paghahanap nila sa grupong Bagong Sibol?" pagtatanong ni Tino.
"Sa palagay ko malaking digmaan ang kahihinatnan ng paghahanap nila sa grupong iyon, lalo na pagnalaman ng Hari ng mga Aswang at Tikbalang ang ginagawa nila." tugon naman ni Igur.
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasiasundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.