NANG makapasok na sila sa bahay nila Cocoi ay nakita nila si Cocoi na nakahiga sa mahabang sofa habang nakatingin sa ilaw.
"Coi, musta na katawan mo? Grabe ang pagkakabugbog sayo, huh." bati ni Rey na dirediretsong umupo sa sofa na pang-isahan lang.
Bumangon si Cocoi at umupo. "Eto, medyo masakit pa ang katawan ko." ani nito. "Ano ba kase ang nangyari? Wala kase akong matandaan."
"Kaya nga ako nandito para tanungin ka rin, dahil wala rin akong maalala." wika ni Rey.
"Wala ka talagang maaalala, dahil wala ka namang nakita." basag ni Shon kay Rey.
"Paano mo naman nasabing wala akong nakita?"
"Siraulo kaba, diba hinimatay ka nga nung pinagtulungan ka ng mga kabarkada ni Warren." tugon ni Shon.
"Ah. Oo nga hinimatay ka pala n'on. Wala ka pala eh, mahina ka." pang-aasar ni Cocoi kay Rey.
"Tumahimik ka nga... Bakit ikaw, may naaalala kaba sa nangyari?!" bulyaw ni Rey. "Tsaka hindi ako hinimatay. Hindi ko lang talaga nakita."
"Oo meron, nung hinimatay ka." natatawang sabi ni Cocoi.
"Tama na 'yan." nakangiting pigil ni Shon sa dalawa.
Sabay namang napatingin ang dalawa sa kanya. "Ikaw ba Shon may naaalala kaba sa nangyari?" tanong ni Cocoi sa kaibigan.
"Oo, lahat. Masimula umpisa hanggang sa dumating ang matandang tumulong sa atin." tugon ni Shon.
"Ataka. Alam mo pala lahat ng nangyari hindi ka nagsasabi." ani ni Rey.
"Eh, hindi naman kayo nagtanong diba?"
"Sige nga Shon, sabihin mo samin kung ano ba talaga ang nangyari." wika ni Cocoi. "Ang natatandaan ko lang kasi. Pinagsisisipa ako ng ilang mga lalaki habang nakahiga at nakita ko na pinagtutulungan ka naman nila Ramil. Nang mapatingin naman ako kay Rey wala na siyang malay." dagdag pa niya.
Ilang minutong natahimik si Shon habang inaalala kung ano ba talaga ang nangyari.
"Hindi mo ba talaga natatandaan Coi? Ikaw kaya ang dahilan kung bakit isinugod din sila Ramil sa Ospital." ani ni Shon.
"A-ako paano?" nagtatakang tanong ni Cocoi.
Huminga ng malalim si Shon bago magsimulang ikwento ang lahat nang natunghayan ng kanyang mga mata.
*****
"Ibig sabihin yung tatlo na namang 'yon ang may gawa sakin nito. Napupuno na talaga ako sa mga 'yon, sa susunod na makita ko sila ay hindi ako magdadalawang-isip na paulanan sila ng suntok." nanggigigil na sabi ni Cocoi matapos magkwento si Shon.
"Teka, Shon anong pangalan ng matandang tumulong satin?" tanong ni Rey.
"Hindi ko alam, dahil hindi naman niya sinabi kung anong pangalan niya."
Pagkatapos nang usapan nilang 'yon ay nagpaalam na ang dalawa. At sabay na lumabas ng bahay nila Cocoi, ngunit magkaiba sila ng dinaanan.
Sa paglalakad ni Shon ay hindi parin niya maalis sa isip niya ang matandang nagpakilalang lolo ni Cocoi. Dahil nga bigla itong nawala at hindi niya nakita kung saan dumaan.
Maya-maya pa'y nakita niya ang naturang matanda sa di-kalayuan. Bagamat nakatalikod ito ay alam niyang iyon ang matandang gumugulo sa kanyang isipan, dahil sa luma nitong kasuotan.
BINABASA MO ANG
PantasTIKBALANG
Fantasysundan ang kwento ni Cocoi sa pantastikbalang . paano ba siya magiging tikbalang at masasali sa digmaang wala siyang kaalam-alam. alamin . susubukan ko pong kada linggo ang new chapter basta ivote at mag comment lang kayo sa bawat chatper . salamat.