CHAPTER SEVEN.

8 0 0
                                    

Haaayy!! Naku ang aga nga naming pumunta dito, kaso hindi parin tapos si mama , nabobored na ako kanina pa ako nakaupo dito habang pinagmamasdan ang mga pinaggagawa ng ibang tao. .

Mapuntahan nga si mama

Habang naglalakad ako kung san direksyon pumunta si mama, tumitingin tingin na rin ako sa mga side baka kasi andun siya, paglingon ko sa left side ko napatingin ako sa batang umiiyak, mukhang gusto yatang magpabili sa mama niya ng candy. .

Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa batang umiiyak ng biglang. .

*bbbbbbbbbbboooooooooooooooogggggggggssssssshhhhhhh*

"ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo?"

Aba!! Ang taray netong lalaking to, nabunggo lang makareact WAGAS?? Pasalamat siya gwapo siya. . Pero hindi walang gwapo gwapo sakin kapag ganito na ang ugali. .

"Naku? Pasensya na,"

"pasensya na, you know what miss? You should be responsible with yourself, hindi ba tinuro sayo ng magulang mo ang good manners and right conduct?, i'm sure hindi kasi yung proper ng paglalakad pa nga lang ee hindi mo na alam. . Haayy!! Naku may mga natitira pa palang tao sa mundo na ganyan. . So Stupid!!"

At bigla siyang umalis. .

Abahh!! Antipatikong lalaki. . Anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganun?? Nakakaasar siya. .. Wag na wag siyang magpapakita sakin ulit kundi lagot siya sakin. .

"oh. . Mik-mik, anong  problema? Ba't hindi yata maipinta yang mukha mo?" natural? Hindi niya talaga mapipinta ee hindi nga sya marunong nun ee. .

"aa wala po , may nakabunggo kasi ako kanina ang sungit grabe akala mo kung sino, antipatiko masyado."

"o? Asan na siya tara resbackan natin. ."

"wala na nakaalis na.. Tara na nga lang uwi na tayo"

Nakakabadmood naman yung taong yun

Nang paglabas namin ng SSS, naglalakad na kami papuntang kotse ni mama, iniwan ko kasi kotse ko nakisakay na lang ako sa kaniya,

"uy mik-mik tingnan mo yun o, may contest pala ngayon ng mga sasakyan, mukhang magandang manood kaso may pupuntahan pa ako mamaya"

Nagulat ako sa sinabi ni mama pagtingin ko sa left side ko, oo nga ang daming tao,

Naalala ko sila Antonette at Andrei kamusta na kaya sila ngayon? Nagsimula na kaya yung sa kanila?

Andrei's Pov.

"Pinsan, galingan mo aa, checheer talaga kita"

"hehe salamat pinsan"

Haayy!! Kung andito lang sana si mik-mik, ewan ko ba pero simula ng makilala ko siya sa hospital nag-iba yung tibok ng puso ko sa kaniya, parang ang saya saya niyang kasama. . Yung tipong ayaw mo na siyang paalisin sa tabi mo.

"oo nga aa Andrei , kaya mo yan, we will cheer you bro,"

Biglang sabi nung isa kong barkada na lalaki, actually apat sila na kabarkada kong lalaki tapos si Antonette ang nag-iisang babae

"salamat bro."

"sige, Andrei magready ka na malapit ka ng susunod o? Hayaan mo kami ng bahala kay Antonette, pagkasama niya kami walang mangyayari sa kaniya,"

"oo nga bro, kung mawala man siya bigla, wag kang mag-alala nakikipagdate lang siya sakin haha!!"

"ulol!! Baliw ka talaga . . Hoy!! Wag mong isama sa collection mo yang pinsan ko kundi malalagot ka sakin"

ACCIDENTALLY IN LOVE [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon