Mickenzie's Pov.
"mik-mik?? Buhay ka??"
Alah!! Grabe sobrang iyak ni Andrei , hindi ko inaasahang maniniwala sya sa plano namin. .
"aa-ee oo Andrei, pasensya na aa" sabay umupo ako
"patawarin mo sana ako sa nangyari kahapon"
Bigla siyang ngumiti at.. Sabay niyakap ako ng sobrang higpit yung tipong, hindi na ako makahinga
"mik-mik ^____^ haayy.. Buti naman walang nangyari sayo.."
"teka?? Andrei, hindi ka galit sakin?'"
"hindi noh?? Bat naman ako magagalit??, actually nagtampo lang, atsaka bat kaba nasa labas? Plano nyo ba ni Antonette to??"
"Hehe!! Oo ee, kasi naman baka pag-usap lang , hindi mo ko mapapatawad, kaya nagisip kami ng plano na tipong hindi ka na makakahindi."
"haha!! Ganun?? Okay lang yun, nasabi narin kasi sakin ni Antonette na manager ka daw ng bandang A+ sa school nyo"
"aa oo ee.. Kaya six na rin ako nakalabas kahapon"
"okay lang yun, may next time pa naman, atsaka sana mag-iingat ka dun sa gitarista nila aa??"
Mag-iingat?? Dun sa tigreng yun?? Siya ang mag-ingat sakin
"huh? Sino? Si Kendall?? Bakit?"
"kasi sabi nila, ang dami niya daw napapaibig na mga girls, ee baka pati ikaw masama sa listahan niya"
"wahaha!! Listahan talaga??"
"hehe,, basta mag-ingat ka aa ^__^"
Eee... Ang gwapo niya talaga, ang bait pa at maaalahanin
"dont worry Andrei, hindi ako papayag na mangyari yun, atsaka may gusto akong iba noh?? Hindi ko din type yun, as if.."
"huh?? May iba kang gusto ?? Sino?? Ang swerte niya siguro ( -_-)"
Ay.. Naku Andrei wag ka ngang malungkot ikaw yung tinutukoy ko noh??
"ahmm.. Actually kilala mo na sya, as in kilalang kilala ( ^___^)"
"talaga?? Sino??"
"haha!!! Ikaw "
"haha!! Talaga?? So tayo na?"
Agad agad??
"syempre, hindi lang ganun yun, dapat dadaan muna sa ligawan,"
Haha!! Tingin nya sakin easy girl?? Hindi noh?
"haha!! Naman, joke lang yun, atsakawa willing akong maghintay, (^__~ )"
"hehe!!.. Aa sige Andrei gabing gabi na rin, kailangan ko ng umuwi may pasok pa tayo bukas,"
"ay.. Oo nga , pero hindi ako papayag na uuwi kang mag-isa, ihahatid na lang kita, alam mo naman, maraming loko loko dyan sa labas"
"haha!! Ikaw bahala"
At yun umalis na rin kami at hinatid na nya ako sa bahay, pagpasok ko ng bahay, nandun na pala si mama at nanonood ng TV
"o? Mik-mik? San ka galing? At sino yung naghatid sayo? Boyfriend mo?"
"wow?? Boyfriend agad? Di ba pwedeng friend lang?"
"sus.. Ganun na rin yun"
"ay ewan ko sayo.. Sige aakyat na ako sa kwarto ko, gagawin ko pa mga assignment ko"
"uuwi uwi ka kasi ng gabi tapos, rereklamo ka pag hindi mo nagawa assignment mo"
Oo nga noh?? Grabe talaga!! Once na nagsalita tong mama ko.. Laging may point sya.. Nakakainis aa. . Reklamador kasi ako,, kilalang kilala na talaga ako ng mama ko. .
"haayy.. Whatever"
At umakyat na ako ng kwarto ko,
Kinaumagahan. .
Recess time
Ay oo nga pala yung assign ko sa Physics hindi ko pa nagagawa , makapunta nga muna ng library, , , habang naglalakad ako , may isang babaeng tumatakbo at mukhang takot na takot ang itsura, well hindi ko na lang pinansin,
Then nung malapit na ako sa papasok ng library, biglang may natumba sa harap ko, , teka?? O__o siya yung babaeng takot na takot kanina aa?? Anong nangyari sa kanya??
Humingi ako ng tulong sa mga boys ng school, alangan naman kasi ako ang magbubuhat sa kanya ee hindi ko kaya, remember?? Maliit lang ako. . Di ko carry yun . . Pero syempre sumama na rin ako sa clinic at ako ang nagbantay sa kanya dun , panu ba naman kailangan daw kasi babae ang magbantay sa kanya, ee sa masamang palad ako ang nag-iisang babae dun . . Hayy badtrip !! Hindi ko pa nga nagagawa yung Physics ko ee.. >__<
Maya maya , , nagising na rin yung babae ,
"where am i??"
Wwwhhaatt!!?? Englishera ang peg??, naman ee.. Lagi na lang ako nakakakilala ng mga english speaking, sumasakit na ulo ko ( @__@) , ,ay naku.. Bahala siya magtatagalog ako
"ahm.. Miss nandito ka sa clinic"
Bigla siyang napaupo,
"what? Oh my gosh, meron bang guy na pumunta dito at hinahanap ako?"
Sus naman.. Marunong naman palang magtagalog!!!
"aa wala naman bakit?, atsaka bat ka pala nahimatay kanina?"
"ee.. Kasi mahabang storya"
"hindi okay lang, sige na chika mo na , makikinig ako"
"well kasi hinahabol ako ng boyfriend ko"
"hinahabol? Ng boyfriend mo?, ee bat ka pa nagtatago ee bf mo naman pala"
"nung second year kasi kami, ang bait bait niya pa sakin, ang sweet niya, halos perfect boyfriend na siya para sakin, tapos nung thirdyear na ako, pumunta ako ng London para dun mag-aral pero hindi ko matake, so ngayong 4th year bumalik ulit ako dito then nagkita ulit kami ng boyfriend ko,"
"o yun lang naman nagkita kayo, odiba dapat masaya ka na?"
Wahaha!! Hiyang hiya naman ako dito sa girl na to kung makatanong naman ako, akala mo close kami haha FC (feeling close) lang?? >_<
"well at first im so happy, pero nung tumagal nakita ko siya , nangbababae, tapos ang matindi pa, gumagamit siya ng . . "
"ng?"
"ng. . "
Hello?? Miss sabihin mo na kaya sinususpense mo pa aketch!!
"gumagamit siya ng .... Drugs"
"o?? Grabe!! Tapos?"
"yun, simula nung malaman ko yun , sinabi ko na magbreak na kami, pero ayaw niya , tinatakot niya ako at sinasaktan"
Nung masabi niya yun, nagtataka ako kasi wala naman siyang mga pasa??
"aa miss?? Panung sinasaktan??"
Sabay binuksan niya yung botones ng blouse niya at pinakita niya yung malaking pasa sa likod niya
"Oh my Gosh?? Ba't hindi man lang kayo nagsumbong sa pulis?? O sa whatever na may kapangyarihan?"
Bigla siyang naiyak
"I tried pero, sabi niya kasi pag ginawa ko daw yun, papatayin niya daw yung taong sobrang importante sakin"
Tuloy tuloy parin siya sa pag-iyak
"teka?? Sino ba yung importante sa buhay mo??"
"Isa siyang lalaki, naging bestfriend na turing ko sa kaniya simula nung second year kami, pero nalaman ko na lang na nagtransfer na sya, mahal na mahal ko siya , pero hindi kasi pwede, baka pagminahal ko siya, mawawala siya bigla... Ayoko namang mangyari yun sa kaniya"
"anong pangalan niya??"
"si ano.. Si A--"
Sasabihin na sana niya yung name pero, bigla ng nagring yung bell
"Naku!! Time na,, anubayan hindi ko pa nagagawa yung assignment ko sa Physics.. Lagot ako neto.. Aa sige miss alis na ako aa time na ee.. Baka malate ako sa klase ko."
BINABASA MO ANG
ACCIDENTALLY IN LOVE [ONGOING]
Teen FictionNASUBUKAN NIYO NA BANG MAKAKILALA NG TAONG SOBRANG ANTIPATIKO, NA KAHIT WALA KA NAMAN GINAGAWA SA KANIYA EE , PALAGING MASUNGIT, PALAGING GALIT SAYO, AT ANG DAMING ALAM NA NAKAKAINIS NA BAGAY (MAHIRAP IEXPLAIN PERO GANUN SIYA) . . TINURINGAN PA...