Chapter 8

424 18 12
                                    


Chapter 8 - Failed Confession


Michelle's POV



"May kinalaman talaga si Kazz dito eh,"



"Oo, hindi lang sya umaamin."



"Sinabi naman ni Rachel 'di ba?"



Suddenly, I have the urge to fight for Kazz. Naaawa na kasi ako sa kanya. Porke't hindi lang naligtas ni Kazz si Rachel 2 years ago, isasama na nya si Kazz? Nasabi ko na bang... close silang dalawa?



Oo. Close sila. Nerd si Rachel at dahil nga nerd sya, walang kumakausap sa kanya. Then, we found Kazz talking to her. Doon lumalim ang relationship nila. They became very close friends, at nung time  na mamatay sya, tsaka lang naging magkakasama si Saffie at Kc.



Hindi ako naniniwala kay Rachel. Pero etong mga kaklase ko, nabulag na sila at naniwala na kay Rachel.



"Ano sa tingin mo Michelle?" Napatingin ako kay Janina ng magsalita sya. Naglalakad kaming lahat patungo sa mga dorm namin nang magkakasabay kaya tumigil muna kami.



Katulad ko, nag-aalinlangan din sya para kay Kazz. "Hindi ako naniniwala kay Rachel."



"Bakit?"



"Alam naman natin 'di ba? Patay na si Rachel. She's supposed to be dead. Malay mo, may naghihiganti lang sa kanya. At hindi iyon si Kazz. Hindi ilalaglag ni Kazz ang sarili nya kung sya nga ang killer."



"Sa bagay."



"Michelle." Lumingon kaming dalawa ni Janina sa pinanggalingan ng boses. Pagtingin ko, nakita ko si Third na nakatayo at parang naghe-hesitate pa sya based on his face.



Janina spoke. "Sige. Una na ako." Binigyan nya ako ng isang nakakalokong ngiti at umalis. Anong meron dun?



"Oh?" Lumingon ako kay Third.



"P-Pwede bang..." Tumingin sya sa ibang direction. "Pwede bang m-magkita t-tayo?"



Nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko ang ipinapahiwatig nya. 'Di kaya sya ang--

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon