Chapter 26

212 7 3
                                    


Chapter 26 - Revealed



Kazz' POV



Huminga ako ng malalim, kasabay nito ang pag-ayos ko ng wig ko at paglagay ko ng salamin sa mata.



As expected, after kong umalis sa hospital ay agad silang nakagawa ng paraan upang tawagan ang agency nila, kahit na inilayo ko sa kanila ang phones nila. Kaya eto ako ngayon, nakadress up na talagang hindi nila ako mamumukhaan sa dati kong itsura. Simple dress lang, short hair na wig, contacts, make-up, and eyeglasses.



Kung paano ko 'to nagawa nang mabilis? Let's just say that I'm expert when it comes to that.



Muli kong tiningnan mula sa sasakyan ko ang mga pulis na nakabunton sa entrance ng agency. Nililibot nila ang paningin nila sa paligid, at lahat nang dumadaan doon ay ini-inspeksyon.



Bumaba na ako mula sa sasakyan ko at ni-lock ko ito. Inayos ko ang damit ko at naglakad papunta sa agency. Okay Kazz, kaya mo 'to!



Nag-iba ako ng direction. Imbis na sa entrance ako papasok, dumiretso ako papunta sa likod ng building kung saan ang exit nito. Muntik na akong mapalundag sa tuwa nang makita ko na walang CCTV camera sa labasan, at ang tanging guard na nakabantay doon ay natutulog pa. Yes!



I smirked to myself as I entered the building through the exit. Walang masyadong tao kaya hindi nila ako napansin.



I asked a woman in the lobby area kung saan matatagpuan ang mga offices ng officers nila dito. "Sa 3rd floor po Ma'am. Ano pong kailangan nila?"



"May irereklamo lang po sana ako." Mahinhin kong sagot sa kanya.



Tumango naman ito. "Okay po."



I gracefully walked toward the elevator and pressed the open button.



Napatingin ako sa direction ulit ng babae sa lobby. Nakatingin ito sa akin at nakakunot ang noo, tila ba nagtataka kung nanggaling ba ako sa entrance o hindi.



Bago pa sya gumawa ng kahit ano, bumukas na ang elevator at pumasok na agad ako sa loob. Baka pa ako mahuli eh. Agad kong pinindot ang 3rd floor at naghintay.



Ang balak ko lang naman ay ang kumilos na at gawan ng paraan ang mga nangyayari. Yun lang. No more, no less.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon