Chapter 29

181 8 0
                                    


Chapter 29 - What happened?



Kazz' POV



Namuo ang luha sa mga mata ko. Kahit hindi ko pa nakikita ang buong mukha nya, pakiramdam ko na sya talaga ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi pwede.



Napatakbo ako sa kasabikang makita sya. Nang makalapit ako, tinabihan ko sya kahit na dapat ay nakaupo ako sa harapan nya. Bahagya syang nagulat sa biglaan kong pag-upo, at kasabay nito ay ang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit at ang pagpatak ng isang luha sa mata ko.



"K-Kazz.." Mahina nyang sabi at niyakap din ako.



After days na akala kong patay na sya. Heto sya sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala.



Bumitaw na kami sa yakap ng isa't-isa. Tae. Masyado ko talaga syang na-miss! Nang maghiwalay kami, nagulat ako sa itsura nya.



May malaki syang hiwa sa taas ng kanang eyebrow nya. Puro benda yung ulo nya at maliliit na sugat sa pisngi. Kita ko din ang malalim nyang eyebags at ang kaputlaan ng buong mukha nya.



"Anong nangyare sa'yo?" Nanatili akong nakatitig sa kanya.



Umiwas sya ng tingin. "Napala ko noong sinugod nyo sina Rachel. Pinilit ko kasing makaalis noon at tumakbo. Buti na lang hindi na ako binalikan noon. Tss."




I rolled my eyes. "Nasaan na ang pagiging Amazona mo? Grabe. Kinahihiya na kitang maging kaibigan." Mataray kong saad.



Aba at ang loka, binatukan ako. Buti na lang at napakapit ako sa ilalim ng mesa kundi baka tumama ang ulo ko doon. Tss. "Oh ayan? Ayos na?" Napatawa ito ng mahina. "Bakit... Bakit ka nga pala naka-hoodie?"



"Nagtatago din ako Saffie." Yumuko ako. "T-Tumakas kasi ako at ninakaw ang files na naglalaman ng case ng school natin. Ang babagal kasi kumilos nung dalawang detectives. Akala ko pa naman malulutasan nila agad. Muntik ka na tuloy mamatay."



"Edi oras na makita ka nila, ipapakulong ka nila?"



"Obviously. Gamit-gamitin din ang utak. Tss." I sarcastically said.



Nakita ko naman ang pagroll ng eyes nya. "Che! Eh speaking of detectives, kamusta na sila after nung encounter nyo ni Rachel?"

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon