Chapter 24

209 10 0
                                    


Chapter 24 – I Lied



Kazz' POV



When I can control everything throughout my body, I opened my eyes.



Ang kisame ng kwarto ko ang unang nakita ko. Nang maalala ko lahat ng nangyari bago ako nahimatay, napabangon ako ng mabilis kaya medyo nahilo ako. Hinawakan ko ang ulo ko at iniayos ang katawan ko.



Yung picture. Kailangan ko yun makita ulit.



"Kazz! Ayos ka na?!" May humawak sa braso ko. Si Ethan.



"Ayos lang ako." Sagot ko. "Pero yung picture? Nasaan?"



"Bakit yung picture ang hinahanap mo? Ano bang meron doon?" Tanong nito pero hindi ko sya sinagot.



"Sabihin mo na lang sa akin kung nasaan ang picture!"



"Kazz." Mas hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. Somehow, that made me stop from resisting. Ang intense ng mga tingin nya sa akin. Pero lumambot ang tingin nya. "Ang picture na yun..."



"Bakit?"



"Nasunog na."



That made my jaw dropped. "ANO?!"



"Nung nakita kasi yun nung isa nyong katulong sa kamay ko, hinablot nya yun at sinunog. May sinabi pa nga sa akin eh. 'Wag kang mangialam ang sinabi sa akin."



Kumunot ang noo ko. Sinunog agad? Pero bakit? Anong kinalaman ng picture na yun sa pamilya namin? Parang wala akong namumukhaan sa kanila.



"Natatandaan mo pa ba kung ano yung itsura nung katulong? Yung height? Estimated age?"



"Hindi na eh. Mabilis lang kasi yung katulong na dumaan." He answered. "Bakit? Anong meron sa picture?"



"Hindi ko alam. Pero feeling ko kailangan ko yun makita ulit."



Minsan talaga, hindi ko alam kung paniniwalaan ko yung kutob ko. Binabagabag ako nito hanggang sa magawa ko ang dapat kong gawin, kundi baka hindi ako makatulog sa gabi. At ngayon... Hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan kong makahanap ng paraan.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon