Chapter 30

189 12 2
                                    


Chapter 30 - Investigation Begins



Kazz' POV



"Ouch!"



"Sorry." I apologized as I rolled a new pack of surgical bandage around her head. After that, I continued strapping band-aids on her face pagkatapos kong lagyan ng betadine.



Nandito na kami ngayon sa condo ko at kakalipat lang nya. Dito na kami kumain sa condo at sya ang nagluto ng tanghalian namin. Inaayos ko yung benda sa ulo nya dahil kakaligo lang nya. 'Di pa daw kasi sya naliligo nang pumunta sya sa resto. Tss.



Nilapag ko sa harapan nya ang makapal na folder na naglalaman ng files namin pagkatapos kong ayusin ang ginamit namin. Umupo ako sa tabi nya at binuksan ang folder.



"Ayan na ang case natin," Sabi ko at pinakita ko sa kanya ang introduction ng case.



"Saan mo 'to nakuha? Sa office ng mga detectives?" Nagtataka nyang tanong.



"Oo. Nagtago pa nga ako nun eh para lang 'di ako makita nung mga guards doon." Sabi ko.



"Shit. What is this?" May hinablot syang isang papel kung saan nakasulat ang profile ni Rachel. Nabasa nya din na ampon ni Mr. Crane si Rachel at ang cause of death nito ay iba rin. "What the hell is this?!"



"Ganyan din ang reaction ko noong una." Sabi ko sa kanya.



"Shit! Are they fvcking with us?! Bakit--Bakit ibang-iba 'to?! At si Mr. Crane! 'Di kaya sya ang killer talaga sa atin?! Look, he's Rachel's father, damn it! He's a freakin' traitor!"



Bumuntong-hininga ako. Kinuha ko ang ilang files na nakalagay sa folder. Hindi ko pa kasi ito masyadong nababasa. Napamura ako nang mahina nang makita ko ang profile ko pagkatapos na pagkatapos ng profile ni Rachel. Bakit 'di ko 'to napansin?!



At shit-- Bakit ako ang pinagbibintangan nila?! Nakalagay dito na malaki ang possibility na ako ang gumagawa ng pagpatay. Takte lang! Bakit ba ako?!



Naihagis ko ang papel na iyon at nagbasa na lang ng ibang files. Puro profile ng kaklase ko ang nandito. Pagkatapos ng profiles ay ang report nila sa progress ng pagpatay. Wala akong makitang makatutulong dito sa amin. This is just a full of crap!

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon