Chapter 33

131 9 1
                                    


Chapter 33 - Real Parents



Chris' POV



"Ano ba yan! Bakit ang tagal naman ni Angelo?!"



Inip akong umupo sa may bato at kinuha ang phone ko mula sa bulsa ko. Kanina pa kasi namin iniintay si Angelo. 10:30 na nga pero hindi pa rin sya nalabas mula sa dorm nya. Tsk. Pinapahirapan nya ang isang gwapong tulad ko eh.



I searched through my contacts to find Angelo, and I called him.



[Sorry, the number you have dialled is not in service. Please try again later.]



"Anong meron? Bakit daw ang tagal ni Angelo?" Tanong ni Rence sa akin.



"Hindi ko alam doon. Tsk," Inis kong sabi. I tried calling him again pero wala pa rin talaga. Not in service daw. "Baka naman natakot na talaga yun kay Janina? Ang duwag naman,"



"Oh baka naman nakatulog na nang tuluyan?" Sabi ni Andrei. Katabi ko sya ngayon at kinakalikot din ang phone nya.



Nandito nga pala kami ngayon sa may garden malapit sa dorm namin. Iniintay namin si Angelo kasi nga pupuntahan dapat namin yung mango tree kung saan nakita ni Angelo si Janina. Nagtatago nga kami sa isang puno dahil may guard na nagbabantay sa entrance/exit ng dorm eh.



"Puntahan na kaya natin?" Biglaang sabi ni Andrei. Napatingin naman kami ni Rence sa kanya. "I have a bad feeling about this."



"Sure ka ba dyan?"



"Baka naman napasarap sa pagtulog si Angelo o kaya naglalaro sya. Alam nyo naman yun," Kahit pinipigil ni Rence, alam kong kahit sya ay hindi mapakali.



"How about his phone? Bakit hindi sya nasagot?" Si Andrei na naman.



"Pinapakaba mo ba kami? Sapakin kaya kita dyan?" Sabi ko sa kanya.



"Sinasabi ko lang naman ang possibilities."



"Baka lowbat lang yun." Wika ni Rence. "'Wag nyo na ngang pag-isipan ng ganyan si Angelo."



Tumigil na kami sa pag-uusap pagkatapos sabihin ni Rence iyon. Sa mga nangyayari ngayon, kapag hindi sumasagot ang kaklase namin sa phone, isa lang ibig sabihin nyan.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon