Chapter 10

404 12 8
                                    


Chapter 10 - Searching



Killer's POV



HAHAHA!



Nakakatawa silang panoorin! Yung pagbuburol nila sa tatlong namatay, ginawa pa nila? Dapat sana kung patay na ang lahat, edi sana nakatipid sila. Pati yung mga reaction nila, nakakatawa! Gusto ko nang humalakhak dito kaso pinigilan ko ang sarili ko. Baka makita pa nila ako.



"Tingnan mo mga reaction nila. It's so priceless!" Natatawang bulong sa akin ng kasama ko habang pinagmamasdan namin ang buong class.



Hindi ko sya sinagot.



"Excited na ako sa susunod na gagawin natin!" Sabi pa nya.



Ngumisi ako. "Ako din. Excited na ako sa maaaring gawin sa kanila. Lalo na kay Kazz."



"Sino na ba ang isusunod natin?"



Mas lalong lumapad ang ngisi ko. "Malalaman mo din mamaya."



~>>>



Kazz' POV



"Sir, akala po namin Doctor kayo? Bakit 'di nyo muna puntahan ang clinic?" Nagtanong si Gabriel kay Sir Mark nang mapansin naming hindi pa sya umaalis dito sa classroom kanina pa.



"Walang magbabantay sa inyo. Ako ang na-atasan ni Mr. Crane na magbantay." Sagot naman ni Sir Mark.



"Sino po ang nasa clinic?" Tanong ni Kc kay Sir. Nandun kasi si Joshua, baka walang magbantay sa kanya. Hindi pa masyadong maigi ang bali nya. 



"Don't worry, nandun naman yung nurse."



Nakaupo kaming lahat sa tamang arrangement ng seats namin habang ang mga kabaong ay nasa unahan. Puro buntong-hininga na nga ang naririnig ko dito sa loob. Hindi pa rin kami makaget-over sa sinapit ng tatlo.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon