Chapter 20

249 9 0
                                    


Chapter 20 - Follow



Margaux's POV



Kanina pa ako binabagabag. Paikot-ikot na nga ako sa kinatatayuan ko eh, at kanina ko pa iniisip kung anong gagawin nila Chris, Andrei, Rence, and Angelo sa bar eh. Masama ang kutob ko. Argh.



7:00 p.m. na. Lahat ng students ng CU ay nagsisi-alisan na at bumabalik sa kani-kanilang mga pamilya. Sila Chris, umalis na kanina pa. Magkakasama nga silang umalis eh. Iniintay ko ngayon ang sundo ko. Si Kazz naman, ayun, sinundo ng mga magulang nya kani-kanina lang. Doon na muna sa mansion nila sya mananatili.



"Margaux, umupo ka nga! Nakakahilo ka!" Reklamo ni Hannah sa akin. Isa din sya sa mga hindi pa umaalis ng campus.



"Tsk." Padabog akong umupo sa tabi nya.



"Ano bang problema mo?" Naiinis nitong tanong sa akin.



"Wala. Baka hangover lang ng mga ginawang pagpatay ni Rachel." I lied.



"Weh? May ganun pala."



Biglang may pumaradang Hummer sa tapat naming dalawa kaya tumayo na ako. Eto na yung sundo ko. Kinuha ko yung luggage ko at ibinigay sa driver naming kakalabas lang.



"Una na ako Hannah." I said, waving goodbye and entering the vehicle.



Pumasok na din yung driver namin at umalis na kami sa campus. Nakatingin lang ako sa bintana. Hindi maalis sa isip ko yung pag-uusap nila Chris kanina. Huminga ako ng malalim bago magsalita.



"Manong, pwede po bang pumunta tayo sa bar?" Sabi ko sa driver namin.



Napatingin naman sa rear view mirror si Manong. "Ano po Ma'am?"



"Bar po. Yung pinakakilalang bar dito sa bansa."



"Ma'am, bawal po kayo doon. Pinagbawalan po kayo ng nanay nyo." Sabi ni Manong.



Kumunot ang noo ko. "Nanay ko? Manong sa pagkaka-alam ko, wala na akong nanay. Iniwan na nya ako dito. Pinagpalit nya ako sa mga lalake nya. Kaya pwede po ba, pumunta na lang tayo sa bar para matapos na 'to?"

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon