Chapter 36

115 5 0
                                    


Chapter 36 - Rachel Castillo's Property



Kazz' POV



"Ano Kazz? Tera na?"



"Let's go," Tumayo ako mula sa kama ko at inayos muli ang buhok ko. Mukha akong mummy dito, sa totoo lang. Ang dami kong bandages sa katawan dahil ang dami kong pasa at sugat. Pero hopefully, mawawala rin ito sa mga susunod na araw.



I locked the condominium pagkalabas namin ni Saffie mula dito. Bago kami bumaba, I sighed and mentally prepared myself. Actually, nagdala pa nga kami ni Saffie ng pocket knife para sure sa safety namin. We might not know what's going to happen. Mas mabuti nang maging sigurado.



Papunta kami ngayon sa lugar kung nasaan ang parents ni Saffie, and incidentally, kung nasaan din ang real parents ni Rachel. Ang lugar kung saan nilalagay ang mga abo ng namatay, according to Saffie. I have no idea where we are going so I let her lead the way.



I really hope na may makikita kami ngayon. Kasi kung wala... I have no idea kung ano nang gagawin namin na sunod. Malapit na naming malaman kung sino ang killer. I know we have the advantage.



Nagpark kami sa tapat ng isang malaking white building. May mga tao ring pumapasok at lumalabas mula dito, at pansin ko sa mga mukha nila nag lungkot. Lumabas kami mula sa sasakyan at pumasok sa loob.



Sa loob ng building, may isang reception area kung saan pede kang magtanong. Sa magkabilang sides namin ay mga hanay ng mga patay—nakalagay ang mga abo nila sa isang jar, at nasa loob ito ng isang maliliit na compartment. Natatakpan ito ng glass na pwede mong buksan. May mga taong nandoon upang bisitahin ang mga mahal nila sa buhay.



Lumapit si Saffie sa reception area. She was greeted by a woman wearing a white dress. "We're searching for two persons, Miss." Wika nya sa babae.



"Of course, Ma'am. Ano pong mga pangalan nila?"



"Si Mrs. Bella Castillo and Mr. Richard Castillo. Gusto naming makita sila."



Nagtype ng kung ano ang babae at hinanap ang mga pangalan na sinabi ni Saffie sa kanya. Ilang minuto pa, humarap muli ito sa amin. "Sundan nyo lang po ako."



Sumunod kami sa babae nang maglakad ito. Napagmasdan ko ang mga lalagyan ng jars habang naglalakad. May mga bagay ito sa loob na parang memories ng mga namatay. May mga pictures, may mga letters. Bumuntong-hininga ako. Tumigil kami sa tapat ng dalawang compartments. May mga picture ito ng isang babae at lalake. Hindi sila katandaan, kaya alam kong may hawig sila kay Rachel.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon