Chapter 4

455 12 1
                                    


Chapter 4 - Reactions



Hannah's POV



Malumanay kong tinatahak ang daan patungo sa dorm ko.



Hindi pa rin ako makapaniwala sa napanood namin kani-kanina lang. Para bang nanonood lang kami ng movie? Si Ma'am ang biktima, si Rachel naman ang killer. Sa ngayon, banta pa rin sya sa amin dahil hindi namin kung nasaan sya.



"Hannah."



Lumingon ako sa likod ko nang may tumawag sa akin. Sila Joy pala. Malungkot din sila at alam mong galing lang sa kakaiyak.



Lumapit ako sa kanila at pilit na ngumiti. 



"Natatakot ako guys..." Nakayukong saad ni Margaux. Wala akong magawa kundi ang tapikin sya sa likod.



"Lahat ng nasa Grade 12, natatakot Margaux." Sambit ni Haruna.



"Alam ko. Nasaksihan natin ang pagre-revenge ni Rachel." Nagtaka ako sa sinabi ni Margaux. Revenge?



"Anong revenge?" Tanong ko.



"Nagrerevenge sya. Di ba nga may pumatay sa kanya last 2 years? Naghihiganti sya sa kung sino ang pumatay sa kanya."



"Patay na sya, paano sya nabuhay?" Si Joy.



"Di kaya... Ibang katawan ang nakita natin?" Napatingin kaming lahat kay Ria. Tama sya, posible nga yun.



"If it is, pano mo maipapaliwanag yung exact face ni Rachel na nakita natin 2 years ago?" Si Haruna.



"Tsaka, dapat kumalat na din ang balita na may nawala sa ibang section," Sabi ko, at tumango naman sila. 


"Sa bagay,"



Papasok na sana kami ng tuluyan sa Dorm B nang may tumawag na naman sa pangalan ko.



"Ms. Abela." Nakita ko si Mr. Crane na nakatingin sa akin nang deretso. Tumingin muna ako sa mga kasamahan ako at sinenyasan silang mauna na sila. Naintindihan naman nila iyon at umalis na.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon