Chapter 23

244 8 0
                                    


Chapter 23 - Mission Failed



Kazz' POV



Kanina pa ako nag-iintay. Nababagot na ako. Kinukutuban na ako ng masama. Gusto kong pumunta doon but I resist myself. Makakasabagal lang ako doon.



KRIIIIIIING!!!



Napabalikwas ako ng upo nang magring ang phone ko. I looked at the caller. Si Detective Tiffany!



"Detective! Ano na pong nangyayari dyan?!" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag.



[Kazz dalhin mo *BANG* *BANG* ang sasakyan dito, emergency! *BANG* *BANG* Nabaril si Francine, and we need a backup!]



"Ano po?! Sige, pupunta na ako dyan!"



Nag-aral naman ako ng driving kaya napaandar ko ang sasakyan at agad pumunta sa kinaroroonan nila kung saan sila pumasok kanina. Masakit pa rin ang katawan ko pero pinilit kong magdrive. Nakita ko ang isang wooden bungalow house na parang cabin kaya napakapit ako ng mahigpit sa manibela.



Sa labas pa lang, kita ko na ang ilang butas na galing siguro sa baril. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan.



Makakaabot ako. I can feel it.



~>>>



Det. Francine's POV



I positioned myself as if I was going to fight. Nakasuot sya ng maskara kaya mahihirapan akong suntukin sya. Gusto nyang makipagsapakan, kaya pagbibigyan ko sya for now. Kahit masakit ang kaliwang balikat ko na natamaan ng bala.



Ganun din sya. Nagposition din sya na parang lalaban sa akin. Sa kilos pa lang nya, parang nag-Taekwondo sya. Nag-Taekwondo din naman ako, at black belter pa.



Sumipa sya ng mataas sa right side ng mukha ko, and I stepped backwards hastily to dodge the attack. Kumirot ang braso ko, but I didn't care. Mabilis ang kilos nya. I tried to kick continuously, sa mukha nya, sa tyan nya, sa paa nya pero mabilis syang nakakailag.



As much as possible, I avoided using my hands. After my last attack, nakailag sya at accidentally, nahulog na naman ang isa kong paa sa kahoy.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon