Chapter 16

295 9 1
                                    


Chapter 16 - Caught



Kazz' POV



Fear.



Yan ang nararamdaman ko everytime I remembered all my classmate's death. Nakakatakot isipin na hindi titigil ang killer hangga't hindi kami napapatay lahat. Kinapitan ko ng mahigpit ang laylayan ng palda ko at tumungo. Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to. Gusto kong mahuli na ang killer.



Kasama ko si Ethan, si Saffie, at si Kc. Nagpahuli kami habang naglalakad at iniba ang daan. Tumungo kami sa cafeteria.



Bumili ako ng tubig at umupo kami sa vacant seat.



Kaunti lang ang student na nandito dahil may klase. Panigurado, ang iba dito ay nagcu-cutting class o kaya may ibang dahilan.



"N-Natatakot na ako sa susunod na mangyari. B-Baka mamaya ako na ang patayin ni Rachel." Pagbasag sa katahimikan ni Kc. Niyayakap nya ang sarili nya at kita mong takot na takot sya ngayon.



"Hindi 'yan. Basta mag-stick ka lang sa amin, ligtas ka." Si Saffie.



"Kinukuha ni Rachel ang victim nya 'pag mag-isa lang ito. So it's better to stick around." Si Ethan.



Si Saffie at Kc. Sila ang naging matalik kong mga kaibigan after mamatay ni Rachel. Nagsasama pa rin kami through ups and downs and we help each other out.



Pero bakit ganito ako ngayon? I can't even look straightly at their eyes. Nakatungo pa rin ako ngayon. Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.



"Saffie," Tawag ko.



"Bakit?"



"Naranasan mo na bang pumatay ng tao?" I asked her without a second thought.



Natigilan sya. I saw from her file that she killed someone, intentionally. Hindi nya naiku-kwento sa akin na may family problems sila. Lagi syang sinasaktan ng tatay nya when her mother died, leaving her with bruises and broken bones.



And because of that, she went crazy and killer her father. Dahil underage pa sya, hindi sya nakulong. Napunta sa kanya ang business nila. Pinalago nya ito hanggang sa naging mayaman sya, and that's when she enrolled here.

Will You Survive?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon