Kylie's POV:
Pagkatapos ng pag uusap namin nung gabing iyon, ay hindi na nasundan. Maski sa texts or tawag. Mas okay narin na yon, mag-isip muna kami pareho. Pero di mawala sa isip ko na nasaktan ko si Arden. Hay. Di pa man din nagsisimula, kumplikado agad Kylie. Jusmeyo.
*tok*tok*tok*
"Kylie?" May kumakatok ata sa pinto ko.
"Pasok po." Sabi ko. Baka si manang kasi to. "Anong oras tapos ng klase mo mamaya?" Si mommy pala. "Mom, ikaw pala yan. Ahm, actually wala akong class today but I have to submit my research paper. Why? May iuutos ka po ba?" Sagot ko sakanya.
"Wala dear, hmm just prepare later for the dinner okay? 6pm. I'll go ahead anak. Bye!" She said and she kissed me before she left. Hindi ko naman na naitanong kay mommy kung anong meron mamaya sa dinner.*2:30pm:Submission of Research paper* my phone alarm. Ayan nag aalarm na ang aking telepono. Pinatay ko na at saka nagpony na ng buhok. Messy bun lang. I wear v-neck white shirt at jeans saka roshe run.
Nagdadrive ako ngayon papuntang school... Seryoso ko sa pagmamaneho habang nagsa-soundtrip sa loob ng sasakyan ko. Bigla ko namang naalala si Arden.. Di malabong magkita kami ngayon sa school. Dahil pasahanna ng RP.
Nandito na ko sa parking lot. Baba na sana ko ng may matanaw ako.
Nakita ko si Arden kausap si Pia, yung babaeng patay na patay sakanya. Nagtatawanan sila. Magtatawanan nalang pabunggo bunggo pang nalalaman tong Pia nato. Kaarte oo.Bumaba ako ng sasakyan at naglalakad papasok ng gate ng biglang may sumigaw.
"Kylie!" Anon problema nito sinisigaw ang pangalan ko. Nilingon ko kung sino. "Ay leche. Si Carlito lang pala. Hahaha" natatawa kong bulong sa sarili ko. Yeah. Carlito is my bestfriend. He is gay. "Girl! Tibo ka na ba ngayon at ganyan ang pormahan mo?!" Irita nyang puna saakin. "Gaga. Comfortable kasi ang ganito bakla." Sabi ko sakanya. "Ay nako. Para ka talagang tibo kundi ka lang maganda gaya ko." Sabi nya. Echosera. "Shunga, kung may maganda man dito ako lang. Sasali kapa. Hahaha" I said laughing. Hahaha. Ganito talaga kami ni Carla! Ay Carlito pala!
Nandito na kami ngayon sa room ng prof namin para magpass. Bigla kong naisip si Arden di manlang ako pinansin. Tssk.
"Bakla, tara kape tayo." Aya ko kay Carlito. "Sige leggo!" Sumama naman sya agad. 3pm palang naman. Kahit mga 4:30 ako umuwi ay aabot ako sa dinner.
Nandito na kami ngayon sa Starbucks. Napuno ng chikahan namin ni Carlito ang Starbucks. Hahaha.
Arden's POV:
Hinihintay ko si Kylie ngayon, dahil alam ko magpapasa sya ng RP. Sa paghihintay ko biglang dumating si Pia. Patay na patay daw to sakin e. Pero di ko sya type a alam ng lahat yon. Nagkukwentuhan kami ni Pia, at tumatawa sya. Ang clingy neto tatawa lang bubungguin pa ko. Hays. Hinayaan ko nalang.Di ko namalayan andito na pala si Kylie. Nakapag-park na sya. Lalapit na sana ko sakanya ng pigilan ako ni Pia. "Hey Arden, where are you going?" Sabi nya. "Sandali pupuntahan ko kasi si Kylie e." Sabi ko naman. "Dito ka muna. May importante akong sasabibin."
"Okay. Ano yon?" Malamig kong sagot. As if interesado ko sa sasabihin nito. "I like you Arden." Biglang sabi nya. "I'm sorry Pia. Alam mo naman diba." Sabi ko sakanya. "I know. Gusto ko pang ipaalam sayo. Anyway, magpapaalam na rin ako Arden, aalis na ko papuntang New York." Sabi nya at yumakap sakin.
"Ingat ka ha." Tipid kong sabi sakanya at nginitian sya.Hinahanap ko na si Kylie ngayon, nasan na ba yon? Ayon nakita ko na din. Pero paalis na sya. Gusto ko sanang habulin, pero mukang nagmamadali sya, kasama si Carlito. "Saan kaya sila pupunta?" I murmured. Hays. Dibale na nga. Magkakausap din kami uli.
Note: Hey guys! Sorry matagal mag update. Sobrang busy kasi e. Next update abangan! :)