Ako si Pia

8 2 0
                                    

Pia's POV:
Ako si Pia Lorraine F. Ruiz. Nag-aral ako sa law school pero hindi ko natapos. Anak ako sa labas ng isang mayamang negosyante. Noong una ay ayaw niya akong kilalanin dahil may pamilya na siya. Ngunit sa huli ay kinilala rin nya ako at sinuportahan. Nakapag aral na ako sa sikat na unibersidad. Kaya nung nagdesisyon ako na mag aral ng law, ay ipinasok ako sa Ateneo De Manila Law School ni Papa. Siya lahat ag sumagot sa mga gastusin ko. Sa pagpasok ko dito ay marami akong nakilala na iba't ibang tao. At dito ko rin nakilala ang lalakeng nagpa tibok ng puso ko. Siya lang ang nag iisang lalake na nakapukaw ng atensyon ko. Marami din ang nanliligaw sakin dito pero lahat sila ay tinanggihan ko.

"Pia, pwede bang manligaw?" Ito nanaman si Lorenzo oo. Nangungulit nanaman. "Lorenzo, kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." Sabi ko sakanya. Pinagpapaliwagan ko rin naman kasi siya. Isa si Lorenzo sa mga nanliligaw sakin, pero siya talaga ang pinaka seryoso at hanggang ngayon ay hindi pa sumusuko kahit alam nyang mayroon na akong ibang gusto.

"Maghihintay ako Pia, hanggang sa makita mo ako. Hanggang sa makita mo na ako talaga ang nagmamahal sayo ng totoo." Sambit nya at alam kong may halong pait at hinanakit itong salita nya sa akin. Naguguilty rin naman ako at yhe same time. Alam ko kasi kung gaano siya kaseryoso sakin, pero hindi ko siya binibigyan ng chance dahil ayokong umasa siya sa wala. "Lorenzo, alam mo naman diba. Alam kong mahal mo ko. Hindi ko naman pinagdududahan yon eh. Pero ito lang ang kaya kong ibigay sayo. Pakikipag kaibigan lang. Sana maintindihan mo yun." Sabi ko sakanya at aalis na sana ko ng bigla nyang hawakan ang braso ko para pigilan. "Sinasabi ko sayo Pia hindi ka na nya mamahalin at hindi ka na nya mapapansin, dahil may iba ng mahal si Arden!" Sigaw nya sakin na siyang nagpainit ng ulo ko at pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sinabi nya. Kaya sa sobrang tindi ng emosyon ko, nasampal ko siya. Isang malakas na sampal, kung kaya't napahawak siya sa pisngi nya. "Wala kang karapatan na sabihin sakin yan! Bakit anong alam mo ha?! Dahil di kita pinayagang manligaw, sasabihin mo sakin yan?! Napaka babaw mo naman!" Pagka sabi ko nito sakanya ay nagwalk out na ko.

*End of flashback*

Balik sa aking pagpapakilala. Tama kayo ng nalaman. Ang lalaking aking minamahal ay walang iba kundi si Arden Xavier Alvarez. Siya ang lalakeng mahal ko. At kahit hindi niya ako pinapansin ay lagi parin akong gumagawa ng paraan para mapalapit ako sakanya at mapansin niya ako. Hanggang sa dumating ang araw na ibinunyag ko na sa lahat na gusto ko siya. Alam sa buong Law School na talagang crush na crush ko si Arden. Pero sadya talaga sigurong hindi niya ako gusto. Siguro nga ay may mahal siyang iba. Kaya hindi nya ako magawang pansinin. Wala naman akong alam na pinopormahan at nagugustuhan nya. Pero mukang hindi talaga ako ang gusto niya. Pero hindi man ako mapansin ni Arden, gagawin ko ang lahat. Balang araw. Makikita mo din Arden, na ako ang para sayo.


----
**Flashback**

"Arden, gusto kita. Bakit ba hindi mo ko makita." Pag amin ko sakanya. Ang sakit kasi wala man lang syang reaksyon. "Pia, please. Hindi kita gusto. Okay? Marami jan na mas deserving para sayo. I'm so sorry." Sabi niya sakin. Gusto ko mang kumbinsihin ang sarili ko sa sinasabi nya, hindi ko magawa. Bakit ba kasi sa kanya pa ako nagkagusto? Pwede namang doon nalang sa taong mahal ako. "Pero ikaw ang gusto ko Arden." Pagpipilit ko sakanya at ang sakit sa dibdib na malamang ibinababa ko ang sarili ko para lang magustuhan ako ng isang lalake. "Pia please, wag namang ganito. Wag mong ibaba ang sarili mo. Kahit ako ang gusto mo, papano naman ang gusto ko? Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." Sambit nya at nakikita ko na naaawa rin siya sa akin pero nakikita ko rin na hindi ako ang gusto niya. Hinding hindi ako. Pero di parin ako nagpatinag. "Arden, please oh. Bigyan mo lang ako ng chance. And I'll prove it to you that I'm the one for you. Matututunan mo rin akong mahalin." Sabi ko. Alam kong nakagaga na to. Pero ito na yon. "Ganyan ka ba talaga Pia? Ayokong masaktan ka. Please. Tama na. May mahal akong iba. Tama na. Please, this will be the last time na mag uusap tayo. I'm sorry. Bye!" Sambut nya at ngdire diretso nang umalis. Naiwan akong nakatulala at tameme. Sobrang sakit. Ang malaman kong may ibang mahal ang taong mahal ko, at ang tanggapin at isampal sa sarili ko ang katotohanang hindi naman nya ako mamahalin kahit kailan ay walang kasing sakit.

**End of flashback**

Kaya magmula noon ay nangako ako na gagawin ko ang lahat para mapasakin siya at para marealize nya na ako talaga ang para sakanya. Pagsisisihan nya na hindi ako ang minahal niya.

------
A/N: Sneek peak kung sino si Pia. So, may idea na kayo kung ano ang papel ng babaitang iyon sa kwentong ito. Abangan ang mga susunod na rebelasyon.

Salamat din sa mga readers ko. Thanks for reading and voting guys! :)

Starting over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon