Random Day

13 2 2
                                    

Maaga akong gumising ngayon dahil may review pa kami. And susunduin ko rin si Kylie dahil sabay kami.
Tunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

From: Pia Ruiz
Goodmorning Arden! ;)

Akala ko naman si My dear na. Well, nireplyan ko nalang din sya.

To: Pia Ruiz
Goodmorning too.

Ganyan ako ka-cold sakanya. Dahil nafefeel ko naman na hanggang ngayon itong si Pia ay may feelings pa sakin. At ayokong pag awayan namin ito ni Kylie. Kaya naman naligo na ko para makagayak na ko at masundo ko na siya.

20mins after...

Tapis na kong maligo at tinext ko na si Kylie.

To: My Dear <3
My dear, nakagayak ka na ba? Magbibihis na ko. I'll pick you up. :*

Sinend ko na at nagpatuloy na ko sa pagbibihis. Inayos ko na rin ang mga kailangan kong dalin para sa review. Tumunog na ang phone ko. At this time, si Kylie na ang nagreply.

From: My Dear <3
Yes my dear, hinihintay na po kita. :*

Kaya naman umalis na ko agad para masundo ko na siya.
Habang nagmamaneho ako ay di ko maiwasang isipin kung bakit nagtetext parin sakin si Pia. Hindi ko alam kung bakit parang iba ang naiisip ko sakanya. I find it suspicious. Kakaisip ko ay di ko namalayang nandito na ko sa tapat ng bahay nila Kylie. And she's there waiting for me.

"Hi my dear, sorry natagalan ba ko?" Bati ko sakanya at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse. "Hindi naman masyado my dear. Thanks." Sabi niya. At pumasok na siya sa loob. Nakapasok na din ako. "My dear okay ka lang ba? Bat parang anlalim ng iniisip mo?" Biglang tanong nya na nagpabalik sa ulirat ko. "Ahm, wala to my dear. Si Pia kasi nagtetext sa akin. Pero wala lang. Iba kasi feeling ko eh." Sabi ko at di naman sya nagsalita. Hindi narin ako nagsalita. Pero nabasag ang katahimikan ng magring ang phone ko. "My dear, pakibasa naman yung message. Thanks" pakisuyo ko sakanya. "Arden, coffee tayo today. Text ni Pia my dear." sabi nya. Wala paring reaksyon galing sakanya. Hindi siya nagseselos eh. May iba talaga. Kailangan kong malaman to.

"My dear may problema ba?" Tanong ko sakanya. "Wala my dear. Naiisip ko lang yung sinabi mo kanina." Sagot naman nya. Siguro nga ay nahihiwagaan din sya sa mga galawan ni Pia. Nandito na kami ngayon sa review center. At dumiretso na si Kylie sa room. Ako naman ay nag-CR muna.

From: Pia Ruiz
Arden, come with me. Just for today. You'll never regret it. ;)

Ang hilig sa kindat na emoticon ng babaeng ito.

To: Pia Ruiz
Stop texting me Pia. Thanks

Sinend ko na iyon at inoff ang cellphone ko. Nabeastmode lang ako. Kaya papanik na ko ngayon ng room.

---
Kylie's POV:
Hindi ko alam kung bakit ano itong nararamdaman ko. Sa sinabi ni Arden na he finds Pia's actions suspicious ay parang kinakabahan ako. I'm not jealous. I've never been jealous. I'm not that type. Pero this time, hindi selos kundi kakaibang feeling na mahirap iexplain. Specially she got Arden's number out of nowhere.

Starting over againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon