Umaga palang busy na kaming lahat. Marami kasi kaming contests na lalabanan ngayon. Kaya ang lahat ng law students ay aligaga. Lalo na kami ni Alden, dahil sa main event kami which is the Debate. Nakakaloka sa totoo lang. 2weeks lang kasi ang preparation at kalangan naming maaral at ma-master ang topic within 2 weeks.
"Are you ready guys?" Tanong ng aming professor. "Yes sir." Sagot ni Alden at ngumiti. Di ko na kasi nasagot yung prof namin dahil nagbabasa ako. Syempre ka-careerin ko ang moment mamaya. "Ms. Lopez mukang busy masyado ha." Bati sakin Sir at saka tumawa. "Mejo lang sir. Mabuti na yung prepared." Sabi ko naman at ngumiti sakanya at bumalik sa pagbabasa.
"Very good. Bagay na bagay na abogada talaga itong si Ms. Lopez. Good luck!" He said at nagpaalam na samin ni Arden. "Kylie, ano gustomong kainin? Padeliver nalang tayo." Biglang tanong ni Arden. "Oo nga pala Ard, hindi pa tayo kumakain. Gutom na ko. KFC nalang Ard." Sabi ko sakanya at dinial na nya agad ang kanyang phone. "What do you want?" Tanong nya. "Chicken Ala King and Chizza tas Mango Krushers, Ard." Sagot ko naman at mejo natawa sya habang sinasabi nya sa linya ng telepono ang orders namin. "What so funny Ard?" Tanong ko sakanya. "Antakaw mo kasi eh. Dami non." Sabi nya at sabay tawa ng malakas. Ah ganon. Gutom kasi ko Arden Alvarez! "So natatawa ka? Gutom ako Ard. Gutom. GUTOM AKO SAGAD." Madiin na sabi ko sakanya. At lalo syang natawa. Grabe ah. Beastmode talaga ko pag gutom.
At sa wakas, dumating na ang pagkain namin. Talaga namang gutom ako sobra. Pagkalabas na pagkalabas ng pagkain ay kinuha ko agad ung sakin at sinabakan na yung Chicken Ala King. "Arden, bat hindi ka pa kumain?" Tanong ko sakanya. Kasi di pa nya ginagalaw yung pagkain nya. Nakatingin lang sya at ngumingiti lang sya. "Eto kakain na ko. Nakakatawa ka kasi Andrea." Sabi nya sabay subo na ng pagkain nya at natatawa pa rin. "Okay fine. Teka, bat dalawa Chizza, sayo ba tong isa?" Tanong ko habang inaabot sakanya yung isang box ng chizza.
"No, it's all yours. Alam kong gutom ka. I love you." Biglang sabi nya tas ngumit lang. Bat ang saya talaga, dalawang Chizza na nga yung kakainin ko, may I love you pa nya. Korni neto. "Korni mo. Hay nako. Ililigpit ko na nga to ng makapag handa na tayo." Sabi ko na lamang at niligpit ang aming pinagkainan. Ako na yung nagligpit, kasi nakakahiya. Saya na nagbayad neto, sya pa ba naman ang pagliligpitib ko? Syempre ako na. Hahaha.
Nakatapos na kong magligpit. At nagstart na kami ni Arden sa aming pagrereview at pagpapractice.
"Divorce is becoming common nowadays..." Pinapractice ko yung speech ko. Nang bigla na kaming pinuntahan ng isang prof at sinabing magbihis na kami at magready dahil mag-iistart na ang Debate.
Nagbihis na kami ni Arden at nag-ayos. Nandito na kami ngayon sa Auditorium kung saan gaganapin ang Debate. Ang makakalaban namin ay ang dati naming classmate na nagtransfer sa ibang school. May asawa na to. Kasal. Pinaglalaban nga neto ang forever.
----
"In 5 minutes we will start the debate."
Pag aannounce ng emcee. Nakaupo na kami sa kanya kanya naming designation area.
"Are you okay Kylie?" Tanong ni Arden. "Yes I am. Mejo kabado lang." Sagot ko naman. Nanginginig kasi kamay ko eh. Grabe. Nakakapressure ito. "Bago pa ba to sayo? Ikaw pa. We can do this okay? I love you." Bulong nya sakin. At alam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi nya. "Arden, nakakarami kana." Sabi ko sakanya at kinurot sya sa tagiliran.
---
After midterm na ang next update mga prends! ✌
