Kylie's POV:
Nakauwi na ako ng bahay mga 5pm. Kaya naman gumayak na ako agad for the dinner. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung san o bakit kami magdidinner nila mommy sa labas.Gumagayak ako ng biglang mag ring abg telepono ko. Sinagot ko ito agad. It was Alyssa. "Hello?" Sagot ko sa linya. "Kyy. Where are you?" Sambit nya habang umiiyak. Anyare dito bat naiyak? "Oh ano nangyare? Why are you crying? Andito ko sa bahay." Sabi ko. "Okay. Punta na ko jan. Jan nalang tayo mag usap. I'll be there in 15mins. Bye Kyy. Thanks." Sabi nya sabay baba sa tawag.
Di ko alam kung ano bang nangyari sakanya at umiiyak sya. Nagkakatext naman kami lagi nito at mukang okay naman sya. Pero bakit iba ngayon? May kumakatok sa kwarto ko. "Come in." Tipid na sabi ko. "Kylie.." Iyak ni Aly. At yumakap sakin. Hays. Ang sakit makita na umiiyak ang kaibigan mo. Stop crying na Aly. "What's wrong? What happened?" I said. Pero patuloy parin ang pag iyak nya. "David cheated on me." She sobbed. I knew it. Masasampal ko tong boyfriend nya.
"Aly, calm down okay? Let's talk about that later. Take a rest first. " pagpakalma ko sakanya."Can I stay here kahit ngayong gabi lang Kylie?" Sambit nya. "Of course Aly. Pero may dinner kasi kami tonight nila mom. Okay lang ba na iwan muna kita dito?" I said. "Sure. I'll just wait for you here. Thank you Kylie." Sabi nya.
Papunta na ko sa Restaurant kung san kami magdidinner. Nauna na kasi sila Mommy.
Andito na ko ngayon sa restaurant at lumapit na sa table namin.
"Hi mom, dad" bati ko sakanila at binati din nila ko pabalik.
"Mom, tayong 3 lang ba ang magdidinner?" Tanong ko. "No anak, dadating sila Tito Jed mo." Sagot ni mommy."Ah sige po." At maya maya ay eto na nga sila Tito Jed. Bineso ko sila at nagstart na silang mag usap about sa bagong business na ioopen. Nagtataka naman ako bat pa ako kasama dito eh obvious naman na ala akong kinalaman dito. OP mode alert. "Anyway, parating na pala si Arden pare." Sabi ni Tito Jed. What?! Dadating sya?! Oh heavenly Father. "Dadating po si Arden?" Tanong ko at mukang napaka obvious ko ata na gulat na gulat ako. "Yes, iha. Sya nga ang nagsabi na isama ka tonight." Sabi ni Tito Jed. What? Siya nagsabing sumama ko? Ano ba tooooo!! "Ah okay po." Sabi ko nalang saka ngumiti. Ayoko naman kasing ipahalata sakanila na may awkwardness akong nafefeel sa pagdating ni Arden.
At eto na nga ang lalake. Papasok na ng Restaurant at nakaporma ah. Gwapo nya infairness. Nakalapit na sya sa table namin at binati na nya isa isa maliban sa akin. Akala ko ay di na nya ko babatiin kaya nakahinga naman ako.
Nagulat na lang ako ng bigla nya kong halikan sa noo sabay sabing "Goodevening Andrea" at ngitian ako ng bonggang bongga. Ano yon? Hinalikan ako sa noo. Bakit? Hala. Kakorni. Nakakabadtri sa kakornihan. "Goodevening too. Bakit naman may kiss pa sa noo? " sabi ko. Di ko din naiwasan na itanong. Di sya sumagot at naupo na sya sa tabi ko.
"Bagay na bagay kayo ng anak ako Andrea." Sabi ni Tita Ardina. "Oo nga anak bagay pala kayo nitong si Arden." Sabi naman ni mommy. Ngumiti lang kami pareho. Nakakahiya kasi. Para kaming mga bata na inaasar sa isa't isa. You know. So korni. "Ahm, tito Jude and tita Carmi gusto ko po sanang humingi ng permiso sa inyo. Gusto ko pong ligawan si Andrea." Sabi ni Arden. Grabe may ganito pa ba talaga?! "Wait, Arden ano to? Liligawa mo ko?" Sabi ko at alam ko na halata nila ang pagkairita ko. Sabi ko naman kasi iisipin ko e. Di ba nya magets na hindi pa ko handa. Tsk. "Yes. Gusto ko lang din hingin ang permiso ng parents mo diba." Sabi nya at ngumiti naman sila mommy at daddy.
"Ahm, Arden you're a good man. Kilala kita. Pero si Kylie lamang ang makakapagdesisyon nyan. Just make sure you'll take care of her and don't hurt her. Okay?" Sabi ni Daddy. "Yes tito. Makakaasa po kayo. " sagot naman nya at ngumiti."So pano pumapayag ka na ba iha?" Nakangiting tanon nila Tito Jed at Tita Ardina. "Ahm, pwede po bang pag usapan muna namin tong dalawa if you'll excuse us." Sabi ko at pumayag naman sila kaya umalis kami ni Arden. Nagpunta kami sa isang malapit na Park dito.
"Arden ano naman yung eksena kanina?" Tanong ko sakanya. "It's not a scene. Nagpunta ko don at pinasama kita dahil gusto ko na malama nila na gusto kita at gusto kong ligawan ka." Sagot nya. "Pero Arden..-" Hindi nya ko pinatapos sa sasabihin ko at saka sya nagsalita. "Andrea, yung sinabi mo nung nasa rooftop tayo na mahal mo ko, totoo ba yon?" Diretso nyang tanong. At napatanga naman ako sandali. "Hmm. Oo naman. Mahal kita. Pero hindi pa ko ready." Shit. Ito na nga ba e. Ang arte ko kasi. Di ko malaman kung san nanggagaling tong kapabebehan na to. "Oh yun naman pala. I love you, and you love me. Hayaan mo naman sana kong ligawan ka, maghihintay ako hanggang sa ready kana." Sabi nya. At natutuwa naman ako kasi naiintindihan na nya. I just hope na maghintay sya talaga. "Oh pano pumapayag ka na ba?" Tanong nya. "Ahm, sige na. Oo na. Pumapayag na ko." Sagot ko sakanya na talaga namang ikinagulat nya dahil niyakap nya agad ako pagkarinig ng sagot ko.
"Arden grabe di na ko makahinga." Biro ko sakanya sa sobrang higpit ng yakap nya. Hahaha. Kasi naman. Kaya bumitaw na sya. "Sorry natuwa lang talaga ko. Thank you for the chance. Di mo pagsisisihan. I love you so much." Sabi nya sabay halik sa noo ko. "Arden nakakarami kana. Di pa tayo. Nanliligaw ka palang. Ano ba. Hahaha." Sabi ko naman sakanya at natawa lang sya at niyakap ako uli.
---
Nandito na ko ngayon sa bahay. Hinatid ako ni Arden. Nakakaloka. Nililigawan na nya ko ngayon. Masaya ako kasi hindi nya ako minamadali at tama nama sya, kaya nga siya manliligaw dahil hihintayin nya na maging ready na ko. Such a gentleman. Grabe. Kinikilig ako. Hay. In time Arden, hintay lang.. Sisimulan natin ang love story natin...
