CHAPTER 5: IT SMELLS TROUBLE

17.4K 271 34
                                    

CHAPTER 5: IT SMELLS TROUBLE

DARYLL's POV

Bakit ba hindi namin agad naisip na posibleng gawin to ni Jessica at Cherry? Kaibigan nga pala nila ang mga lalaking to. Ano pa nga bang inaasahan namin?

"Kamusta na kayo? Long time no see." casual na pagkakasabi ni Max habang nakangiti. Kailan nga ba sumimangot ang isang to?

"Aalis na kami. Marami pa kaming gagawin." sinabi ko yun nang makaalis na kami dito, sigurado naman kasing hindi magandang usapan ang mangyayari

"Sandali lang. Mag-usap na muna tayo." sabi naman ni Eli

"Bigyan niyo lang kami ng 15minutes para makausap kayo." sabi naman ni Cloud

"Hmmm girls, pagbigyan niyo na sila. Please?" sabi ni Cherry

"Anu nanaman ba kasi to?! Tungkol saan nanaman ba?" medyo malakas ang pagkakasabi niyan ni Lhei

"Tungkol sa grupo niyo at grupo namin." sabi ni Eli

"Wala na kaming kinalaman sa grupo niyo." sabi ni Jesx

"Matagal ng putol ang koneksyon ng grupo niyo sa grupo namin. Kaya wala ng dapat pagusapan." sabi naman ni Micah

"Makinig muna kayo." sabi naman ni Cloud

"5minutes. Sige, magsalita kayo, pero 5minutes lang ang kaya naming ibigay sa inyo." sabi ni Carse

"Ayaw kasi naming nasasayang ang precious time namin." sabi naman ni Aliss

Napansin kong hindi man lang nagsalita si Mille, nanahimik lang siyang nagmamasid.

Umupo ulit kaming pito, ganun din si Cherry at Jessica habang nakatayo at nakatingin sa amin ang tatlo. Napansin kong huminga muna ng malalim si Max bago magsalita.

"Alam kong nasaktan kayo, pero maniwala kayo o sa hindi, nasaktan din naman sila. Triple ang naramdaman nilang sakit kaysa sa sakit na naramdaman niyo. Alam kong galit pa rin kayo sa aming lahat, pero sana naman magawa niyong kausapin sila pagbalik nila dito." nagpause saglit si Max tsaka niya sinabing "Babalik na sila."

Natahimik kami saglit. Iniisip ko lang, para saan pa ang magusap? Tsaka, kami ang naloko dito, pero bakit triple daw ang sakit na naramdaman nila kaysa sa amin? Unfair naman yata yun.

"Gusto kong malaman niyo na wala naman kaming galit sa inyong tatlo." sabi ni Carse

"Siguro kasama kayo na bumuo ng kalokohan na yun, pero sila naman ang gumawa. Kaya wag kayong magalala, hindi kayo damay dito." sabi naman ni Aliss

"Kung hindi, bakit iniiwasan niyo kami?" tanong ni Cloud

"Hindi namin kayo iniiwasan. Ayaw lang talaga naming mainvolve pa sa kahit sino mula sa grupo niyo." sagot ni Micah

No Longer Stalking the Gangsters [STG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon