CHAPTER 29: FIERCE NINJA MOVES
DARYLL's POV
"Ouch naman! Tama na!" sigaw ni Mille na halos paghahampasin na namin dito sa kwarto
Paano ba naman namin hindi hahampasin? E pumayag ba naman na maging sila ni Ash ngayong nandito sa Korea, take note, ngayon lang sa Korea.
"Anu naman bang pumasok sa isipan niyong dalawa?!" tanong ni Jesx sa kanya
"Magbabalikan lang din pala kayo, bakit kailangang ngayong nandito lang?" tanong naman ni Micah
"Tssk! Pwede naman kasing for real na ulit." sabi naman ni Lhei
"Naglalaro ba kayong dalawa?!" tanong ko naman kay Mille na nakayakap na ng unan
"Hmmm, hindi ko pa pwedeng sabihin sa inyo kung bakit." sabi ni Mille na naging seryoso bigla
Looking at her, mukhang may mas seryosong problema pa ang dalawang to.
"Teka nga, may sabit na ba si Ash?" tanong bigla ni Carse
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Mille. Teka nga! Bakit ganyan reaction niya?
"Hoy Mille! Anung klaseng reaction yan? Don't tell me." sabi ko kay Mille
"May sabit nga?" tanong naman ni Aliss
"Wait!" sabi bigla ni Mille "Easy lang muna kayo! Basta, hindi niyo ko dapat ikaworry kasi kaya ko na ito. Malalaman niyo rin, pero baka pagdating nalang sa Pilipinas. Wag na dito, please? Hayaan niyo nalang akong maenjoy ito. Kahit ngayon nalang." tsaka na tumayo si Mille at biglang lumabas ng kwarto
"Malaki talaga ang problema ng isang yun." sabi bigla ni Lhei
"Pabayaan na nga muna natin, basta nandito naman tayo kung sakaling may mangyaring hindi maganda." sabi naman ni Micah
"Sabagay, madali lang naman kuyugin yung si Ash." sabi naman ni Jesx
"Yeah, right. Maliban nalang kung humarang nanaman ang Fierce." sabi naman ni Aliss
"Subukan lang nila! Makakatikim sila sa akin!" sabi ko naman sabay higa na sa kama "Sa ngayon, matulog nalang tayo. Antok na ako eh."
***
(The next day.)
"Hey! Hey! Hey! Ang aga naman yata niyan?" tanong ko dito kay Ash na mukhang pakatok na sa room nina Mille at Lhei
Napatingin naman siya sa akin. Aba lokong to! Tinignan na ako tsaka na kumatok sa room nina Mille. Isnobin ba daw ang beauty ko?!
BINABASA MO ANG
No Longer Stalking the Gangsters [STG Book 2]
Humor[COMPLETED*NO SOFTCOPIES] Stalking the Gangsters Book 2