CHAPTER 16: WITH CLIFF AND NICK

15.8K 245 18
                                    

CHAPTER 16: WITH CLIFF AND NICK

 

MICAH's POV

 

Walang magawa ang mga lalaking yun. Bakit ba sila nagenroll sa Greeners University? Ang masaklap pa ay sa mismong klase nila. Buti nalang talaga at hindi yun ginawa ng lalaking yun sa akin. Subukan niya lang magenroll dito, ewan ko nalang kung hindi magkagulo.

"Hey Micah!" napalingon naman ako kay Carse na tumatakbo palapit sa akin

"Where's Lhei? Bakit hindi mo kasabay?"

"Nagpunta pa kasi ako sa restroom. Tara na, sabay na tayo. Nasa parking lot na raw sila."

Naglakad na kami papunta sa parking lot. Hinihintay na kami dun ng mga kaibigan namin, kasama na rin ang ABCDEFG.

"Hmmmmmmmmmmm! Mmmmmmm!" OMG! Who's this? Hinatak ako tapos bigla nalang tinakpan ang bibig ko. Hindi lang ako dahil pati si Carse.

"Yan ang bagay sayo!" sigaw ni Carse nang tinapakan niya yata ang paa ni Nick. Yes, si Nick ang may gawa sa kanya nun.

"Ouch!" sigaw naman nitong si Cliff nang kagatin ko ang kamay niya

"Anu bang pinaggagawa niyo?!" sigaw ko

"Micah, tara na!" sigaw ni Carse na tatakbo na sana pero bigla nanaman siyang hinila ni Nick at this time pinasok sa kotse

"Teka, kikidnapin niyo ba kami?!" tanong ko dito kay Cliff

"Let's go!" sabay hatak niya sa akin papasok

"Anu ba?! Bitawan mo ko!" sigaw ko pero wala na, naipasok na nila kaming dalawa ni Carse sa kotse nila

"Palabasin niyo kami! Mga kidnappers kayo!" sigaw ni Carse na nasa tabi ni Nick

"Wag kang maingay. Calm down please." sabi ni Nick

"Kasi naman! Tabi dyan! Lalabas na kami!" sigaw ko sa kanila

"Wait! Hindi naman kami pwedeng makita dun sa labas na nandito sa University niyo." sabi ni Cliff

"Tama si Cliff, alam niyo naman ang issue na nangyari kagabi." sabi naman ni Nick

"Anu naman ngayon?" tanong ni Carse

"Gusto naming magsorry sa nangyari kagabi." sabi ni Nick

"Gusto lang naming marinig niyo yung mga kanta." sabi naman ni Cliff

"Okay na! Tama na to! May pupuntahan pa kami." sabi ko sa kanila dahil hindi na talaga kami pwedeng magstay dito ng matagal na kasama ang dalawang to

No Longer Stalking the Gangsters [STG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon