CHAPTER 10: REAL OWNERS

17.1K 294 25
                                    

CHAPTER 10: REAL OWNERS

ELI's POV

"Bakit kinalimutan mo Dustin na may aayusin pa tayo sa bar ngayon?" tanong ko dito kay Dustin na kakasundo lang namin mula sa pakikipagusap kay Mille.

"Nakita ko kasing nag-iisa si Mille kaya nawala na sa isip ko." sagot ni Dustin

"Ikaw talaga! Basta si Mille." sabi ni Cloud sabay akbay kay Dustin

"Bilisan na natin." sabi naman ni Max kaya heto at sumakay na kami sa kotse para makarating na agad sa bar.

Pagdating sa bar, nagaayos na ang mga empleyado at sinasalubong kami ng mga good afternoon sir nilang pagbati.

"Bakit ngayon lang kayo?!" si Jessica yan nakatayo dito sa 2nd floor habang nakapameywang.

Agad naman akong lumapit sa kanya at nginitian siya "Namiss mo na ba ako?"

"Miss your face! Ang tagal niyo kaya. Kanina pa kami nandito." sabi ni Jessica na bigla ko nalang niyakap pagkatalikod niya "Anu ba Elinor! Bitawan mo nga ako!"

"Masama bang yakapin ka? Nakakamiss ka kaya." sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya

"Ang aga namang maglambingan." si Cherry naman yan nakaupo dun sa seat sa may harapan namin

"Poste, wag kang mainggit sa kanila. Pahug nalang din ako." sabi ni Cloud na yumakap din sa girlfriend

"Ulap talaga, ikaw yata ang nainggit sa kanila eh." sabi ni Cherry

"Bitaw na! Abuso ka na Elinor!" sabi ni Jessica na umalis na sa pagkakayakap ko sa kanya at umupo na seat na nasa tabi nina Cherry at Cloud.

"Nasaan na ba sila?" tanong ni Max

"Oo nga, pumunta na tayo dito, pero parang wala pa yata sila." sabi naman ni Dustin

"At sinong may sabing wala pa kami?" lahat naman kami napatingin sa nagsalita na yun na kalalabas lang mula sa isang private office namin dito sa 2nd floor

"Kamusta Blue?" tumayo ako tsaka kami ng hand gesture

"Ayos naman." sabi niya sabay upo sa seat na bakante dito. Ganun pa rin si Blue, seryoso pa rin. Halos maikot na ng lalaking yan ang buong mundo, nagaaral siya pero mas madalas na pumunta kahit saan dahil sa negosyo ng lolo niya na siya na ang nagasikaso.

"Nasaan ang iba?" tanong ni Cloud

"Present ang gwapong nilalang!" si Lei yan nakataas pa talaga ang kamay habang palapit sa amin. Kasunod niya naman si Yvo at Sky. Galing din sila sa loob ng office.

"Kamusta na kambal?" tumayo si Cloud at lumapit sa kambal na si Sky.

No Longer Stalking the Gangsters [STG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon