CHAPTER 44: STARTING OVER (CHEEZYCAKE VERSION)

14.8K 277 32
                                    

CHAPTER 44: STARTING OVER (CHEEZYCAKE VERSION)

LHEI's POV

Sina Aliss at Yvo na ulit. Nakapagdesisyon na rin sina Micah at Carse na sasama sila kina Nick at Cliff sa U.S. Sabagay, kahit naman siguro ako ay papayag na rin na sumama kung ganun, kasi naman kakabalikan lang nila, kaya mahirap kung maghihiwalay din sila ng ganun kabilis dahil sa career nung dalawa.

Bakit ba nag-iisip pa sila ng magandang way para sagutin yung mga gangsters na iyon? Ah basta ako, bahala na ang Super Junior. Ala nga namang mag-isip pa ako, effort na iyon para sa part ko. Pero paano ko nga kaya sasagutin yung lalaking iyon? Hala! Kakasabi ko lang na hindi ako mag-iisip eh. Nakngtokwa naman talaga!

Sakto pa ang pagtunog nitong cellphone ko. Pampaganda rin ng mood na naririnig ko ang aking ringtone dahil sa ako ay forever ELF syempre ang pinakabagong kanta ng Supre Junior ang ringtone ko, walang iba kundi ang 'Hero'. Saktong si Lei na pala itong tumatawag sa akin.

"Hoy Wachilei! Bakit wala ka pa dito? Ako ba ang balak mong pagbayarin ng kakainin ko dito? Bilisin mo dahil gutom na ako!" sigaw ko kay Lei sa kabilang linya. Nandito kasi ako ngayon sa isang magarang restaurant, pinapunta ako dito ni Lei.Bastos iyon eh, di man lang ako sinundo sa bahay.

[Nandito na ako kanina pa.] joke only nanaman ang isang ito

"Pinagtritripan mo ba ako? Makakatikim ka ng tadyak sa akin!"

[Seryoso ako cheezycake. Hintay lang ha.]

"Sandali--okay! Bastusan! Binabaan ba naman ako?"

"Ma'am, kayo po ba si Lhei Lopez?" sabay lapit naman nitong isang waiter

"Yes, bakit?" huwag niyang sabihin na babayaran ko na itong isang baso ng tubig. Grabe naman! Libre lang ito dapat.

"Sumama po kayo sa akin. Pinapasundo po kasi kayo ng date niyo." kapal talaga ng face nitong si Wachilei, ipasundo pa talaga ako sa waiter imbes na siya ang magsundo

"Tamad talaga ng isang iyon. Saan ba tayo pupunta?" tsaka na ako tumayo. Naglakad naman na yung waiter kaya sinundan ko nalang siya.

Pumasok kami sa isang kwarto na nababalutan ng mga kandila. Kasabay ng pagpasok ko ang pagsimula niyang kumanta. Kinakanta niya ang 'My All is in You'ng Super Junior. Hindi sa english translation nito, kundi sa korean talaga. Halos mapanganga ako sa pagkakarinig ko sa pagkanta niya ng korean. Parang pinag-aralan niya talaga kung paano kantahin iyon.

"My all is in you. Lhei Lopez." sabi niya pagkatapos kumanta. Nakatitig siya sa akin at nakangiti.

Nakakainis naman ang lalaking ito! Ako itong dapat nag-iisip ng way para sabihin sa kanya na sinasagot ko na siya ulit, na kami na ulit, preo siya pa itong may ginawa nanamang surprise sa akin. Yiee naman eh! Ayaw ko pa namang kinikilig ako ... sa harapan niya. Dapat sikreto lang, yung tipong may takip pa akong unan sa mukha ko at paikot-ikot sa kama.

No Longer Stalking the Gangsters [STG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon