CHAPTER 27: LOVE HANDCUFFS II
3RD PERSON's POV
Gaya kanina, patuloy pa rin sa paglalakad itong si Nick kaya kanina pa nakasimangot tong si Carse na napapasunod nalang sa kanya.
"Kailan ka ba hihinto sa paglalakad? Nakakapagod na kaya." reklamo ni Carse
"Ayun, nakita ko rin sa wakas!" sabi ni Nick tsaka mabilis na naglakad
"Pwedeng magdahan-dahan pag may time!" sigaw ni Carse na hindi pinakinggan ni Nick dahil masyadong overwhelmed sa nakita "Teka, anu bang ginaga--Chocolates?" sabi ulit ni Carse na nakatingin sa harapan ng isang mala-chocolate town na nasa harapan nila
Napalingon naman si Carse kay Nick na nakangiting nakatingin din sa chocolate town na yun.
"Diba favorite mo ang chocolate?" biglang lingon ni Nick kay Carse
"Hi-hindi." sabay iwas ng tingin ni Carse
"Akala ko nga hindi ko na makikita ang lugar na to. Tara pasok tayo!" pag-aya ni Nick
"Ayoko!" pagtutol ni Carse kaya napalingon muli sa kanya si Nick
"Bakit?" tanong ni Nick
"Sinabi ko ng ayaw ko, kailangan pa ba ng dahilan kung bakit?" pagtataray ni Carse kay Nick
Nawalan naman ang mga ngiti sa labi ni Nick, pero imbis na magpatalo siya sa lungkot, ngumiti siya ulit kahit pilit lang tsaka na naglakas papasok at napasunod na sa kanya si Carse.
"Ang kulit mo naman--" napahinto si Carse sa pagsasalita nang biglang makita ang isang malaking chocolate castle sa loob ng chocolate town na yun
"Ang ganda diba?" tanong ni Nick kay Carse
"Maganda nga." namamangha sabi ni Carse
"Pero mas maganda ka." nakangiting sabi ni Nick kay Carse
Umiwas nalang ng tingin si Carse kay Nick tsaka naglakad kaya napasunod sa kanya si Nick.
"There's something I wanna show you." biglang sabi ni Nick tsaka naglakad palapit sa isang shop sa chocolate town
"Anu nanaman ba ito?" tanong ni Carse habang si Nick ay busy sa pakikipagusap sa tindera
Laking gulat nalang ni Carse nang may mga batang koreans na lumapit sa kanila. Bawat isa sa kanila may hawak na maliit na round cakes, first five korean kids nakalagay sa taas ng cake na dala nila ang "S", "O", "R", "R", Y.
Next eight korean kids na may dalang cakes, ang nakalagay naman ay "I", "L","O","V","E","Y","O","U".
BINABASA MO ANG
No Longer Stalking the Gangsters [STG Book 2]
Humor[COMPLETED*NO SOFTCOPIES] Stalking the Gangsters Book 2