Ikawalong Kabanata: Ang Hagdan kay Bathala (unedited)

2.6K 109 23
                                    

"Umph!" Sinalo ako ng mga matitipunong bisig ni Sic bago kami kapwa bumagsak sa lupa. Itinayo niya kaming dalawa. Nasa loob kami ng madawag na gubat at sa aking tantiya sa posisyon ng buwan sa langit ay malalim na ang gabi.

"Aray!" Pasubsob na iniluwa ng portal si Ilona sa lupa kasunod si Haraya, na lumipad upang hindi madaganan ang nauna. "Ayoko talaga ang naglalakbay sa portal. Nakakahilo!" reklamo ni Ilona. Tumayo siya at ipinagpag ang kaniyang damit.

Umusal ako ng dasal nang maalala ko ang mga naiwan namin sa Talim. Buhay pa kaya sila?

'Akin ang hiyasss...'

Ang tinig na iyon. Hindi ako nagkakamali, iyon ang tinig ni Sitan. Nakita niya ako. Nakapasok siya sa Talim.

"Nasaan na tayo?" Tanong ni Haraya. Lumipad siya sa tuktok ng mga puno upang masdan ang paligid. Parang pamilyar sa akin ang gubat na ito. Kumalas ako sa pag-aalalay ni Sic at naglakad. Ilang hakbang pa lamang ay may narinig akong pamilyar na tunog. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Narito tayo sa mundo ng mga tao..."

***

"Bakit tayo dito dinala ng portal?" tanong ni Haraya. Mahahalata mo ang kaniyang pagkabalisa pagkat hindi siya tumitigil sa paroon at paritong paglipad.

"Dito ang daan patungo sa Apoy," paliwanag ni Sic. Nasa kaniyang mga kamay ang mapa na siyang kanina pa niya pinagmamasdan. Ako naman ay hindi mapakali. Nakabalik na ako! Gusto kong magdiwang. Hinihila na ako ng aking mga paa upang makauwi. Tatay! Lola! Miss na miss ko na kayo!

"Kailangan nating maglakbay patungo sa bulubunduking ito." Itinuro ni Sic and isang lugar sa mapa. Teka, parang...

"Alam ko kung saan 'yan!" Napatingin sa akin ang aking mga kasama. "Malayo iyan pero kayang lakbayin ng isang buong araw ng kotse."

"Kotse? Karwahe ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Haraya.

"Hindi, mas mabilis d'on. Walang gamit na kabayo," sagot ni Ilona. Napatingin sila sa kanya. "Isa ako sa mga tagapagbantay ng lagusan. Matagal akong namalagi sa mundo ng mga tao," pagpapaalala niya.

"Kung gayon ay maghanap na tayo ng kotse," pahayag ni Sic na tumayo na mula sa kanyang kinauupuan.

"Teka, hindi 'yon ganoon kadali! Kailangan marunong kang magmaneho at mayroon kang lisensya." Napakunot ang noo ni Sic.

"E di ikaw na lang ang magmaneho," sagot niya. Hay naku!

"Wala pa ako sa tamang edad para magka-lisensya." Napaisip ako. Pwede rin naman siguro... pero paano kaya... "pwede tayong mag-bus ngunit hindi ko alam kung paano ko kayo itatago."

"Madali lamang iyan." Nakangiting sagot sa akin ni Sic, na sa isang iglap ay nagbago ng anyo.

***

"Dito lang kayo," bulong ko sa aking mga kasama. Nasa tarangkahan kami ng aming bahay. Patay na ang mga ilaw maliban sa kuwarto ni Tatay at sa sala. Malamang ay nagpupuyat na naman siya sa paggawa ng grado ng kaniyang mga estudyante.

"Baka masundan tayo ng mga tauhan ni Sitan at matunton niya ang iyong pamilya," bakas ang kaba sa mukha ni Haraya.

"Mabilis lang ito, hindi tayo makakaalis kung wala tayong pera." Kanina ay nagtalo na kami tungkol dito dahil ipinipilit ni Sic na ginto at diyamante ang ibayad namin sa bus. Nakakainis ang tigas ng ulo ng tikbalang. Mabuti na lamang at ipinagtanggol ako ni Ilona.

Maingat akong naglakad patungo sa pintuan. Nakinig ako. Tahimik ang paligid.

"Meow?" Naramdaman ko ang malambot na bagay na bumunggo sa aking binti bago ito kumiskis.

Amari [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon